Awit
Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas sa mababang oktaba.+ Awitin ni David.
6 O Jehova, huwag mo akong sawayin sa iyong galit,+
At sa iyong pagngangalit ay huwag mo akong ituwid.+
2 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova, sapagkat ako ay naglalaho.+
Pagalingin mo ako,+ O Jehova, sapagkat ang aking mga buto ay nangangatog.
4 Bumalik ka,+ O Jehova, sagipin mo ang aking kaluluwa;+
Iligtas mo ako alang-alang sa iyong maibiging-kabaitan.+
6 Ako ay nanghimagod sa aking kabubuntunghininga;+
Buong gabi ay pinalalangoy ko ang aking higaan;+
Pinaaapawan ko ng aking mga luha ang aking kama.+
7 Dahil sa kaligaligan ay nanghihina ang aking mata,+
Tumanda ito dahil sa lahat niyaong mga napopoot sa akin.+
8 Lumayo kayo sa akin, lahat kayong nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+
Sapagkat tiyak na diringgin ni Jehova ang hibik ng aking pagtangis.+