Awit
Sa tagapangasiwa para sa Nehilot. Awitin ni David.
2 Bigyang-pansin mo ang tinig ng aking paghingi ng tulong,+
O aking Hari+ at aking Diyos, sapagkat sa iyo ako dumadalangin.+
3 O Jehova, sa umaga ay maririnig mo ang aking tinig;+
Sa umaga ay magsasalita ako sa iyo at magbabantay.+
4 Sapagkat ikaw ay hindi isang Diyos na nalulugod sa kabalakyutan;+
Walang sinumang masama ang makatatahang kasama mo kailanman.+
5 Walang mga hambog ang makatatayo sa harap ng iyong mga mata.+
Napopoot ka sa lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit;+
6 Pupuksain mo yaong mga nagsasalita ng kasinungalingan.+
Ang taong nagbububo ng dugo+ at nanlilinlang+ ay kinasusuklaman ni Jehova.
7 Sa ganang akin, dahil sa kasaganaan ng iyong maibiging-kabaitan+
Ako ay papasok sa iyong bahay,+
Sa pagkatakot sa iyo ay yuyukod ako tungo sa iyong banal na templo.+
8 O Jehova, patnubayan mo ako sa iyong katuwiran+ dahil sa aking mga kagalit;+
Patagin mo ang iyong daan sa harap ko.+
9 Sapagkat sa kanilang bibig ay walang anumang mapagkakatiwalaan;+
Ang kanilang panloob na bahagi ay tunay na kapighatian.+
Ang kanilang lalamunan ay isang bukás na dakong libingan;+
Madulas na dila ang ginagamit nila.+
10 Ituturing nga silang may-sala ng Diyos;+
Mabubuwal sila dahil sa kanilang sariling mga payo.+
Dahil sa dami ng kanilang mga pagsalansang ay hayaan silang mangalat,+
Sapagkat naghimagsik sila laban sa iyo.+