Awit
Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas.+ Awitin ni David.
4 Kapag tumawag ako, sagutin mo ako, O aking matuwid na Diyos.+
Sa kabagabagan ay maglaan ka ng maluwang na dako para sa akin.
Pagpakitaan mo ako ng lingap+ at dinggin mo ang aking panalangin.
2 Kayong mga anak ng mga tao, hanggang kailan ba iinsultuhin ang aking kaluwalhatian,+
Habang patuloy ninyong iniibig ang mga walang-katuturang bagay,
Habang patuloy ninyong hinahangad na makasumpong ng kasinungalingan? Selah.
3 Kaya talastasin ninyo na talagang ibubukod ni Jehova ang kaniyang matapat;+
Diringgin ni Jehova kapag tumawag ako sa kaniya.+
4 Maligalig kayo, ngunit huwag magkasala.+
Magsalita kayo sa inyong puso, sa inyong higaan,+ at manahimik kayo. Selah.
6 Marami ang nagsasabi: “Sino ang magpapakita sa amin ng mabuti?”
Pasinagin mo sa amin ang liwanag ng iyong mukha,+ O Jehova.