Awitin ni David nang tumatakas siya dahil kay Absalom na kaniyang anak.+
3 O Jehova, bakit dumarami ang aking mga kalaban?+
Bakit maraming bumabangon laban sa akin?+
2 Marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa:
“Wala siyang kaligtasan mula sa Diyos.”+ Selah.
3 Gayunma’y ikaw, O Jehova, ay isang kalasag sa palibot ko,+
Ang aking kaluwalhatian+ at ang Isa na nagtataas ng aking ulo.+
4 Sa pamamagitan ng aking tinig ay tatawag ako kay Jehova,
At sasagutin niya ako mula sa kaniyang banal na bundok.+ Selah.
5 Kung tungkol sa akin, hihiga ako upang ako ay makatulog;
Ako ay tiyak na gigising, sapagkat lagi akong inaalalayan ni Jehova.+
6 Hindi ako matatakot sa sampung libu-libong tao
Na humahanay laban sa akin sa magkabi-kabila.+
7 Bumangon ka,+ O Jehova! Iligtas mo ako,+ O Diyos ko!+
Sapagkat patatamaan mo nga sa panga ang lahat ng aking kaaway.+
Ang mga ngipin ng mga balakyot ay babasagin mo.+
8 Ang kaligtasan ay kay Jehova.+
Ang iyong pagpapala ay sumasaiyong bayan.+ Selah.