Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 16:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ngunit sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa kaniyang anyo at sa taas ng kaniyang tindig,+ sapagkat itinakwil ko siya. Sapagkat hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao [ang paraan ng pagtingin ng Diyos],+ sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata;+ ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.”+

  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin+ mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod+ ka sa kaniya nang may sakdal na puso+ at may nakalulugod na kaluluwa;+ sapagkat ang lahat ng puso ay sinasaliksik ni Jehova,+ at ang bawat hilig ng mga kaisipan ay kaniyang natatalos.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang masumpungan mo siya;+ ngunit kung iiwan mo siya,+ itatakwil ka niya magpakailanman.+

  • 2 Cronica 6:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 kung gayon ay makinig ka nawa mula sa langit, ang iyong dakong tinatahanan,+ at magpatawad+ ka at magbigay sa bawat isa ng ayon sa lahat ng kaniyang mga lakad,+ sapagkat nalalaman mo ang kaniyang puso+ (sapagkat ikaw lamang ang lubos na nakaaalam sa puso ng mga anak ng sangkatauhan);+

  • Jeremias 17:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Akong si Jehova ang sumisiyasat sa puso,+ sumusuri sa mga bato,+ upang ibigay nga sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga lakad,+ ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo.+

  • Gawa 1:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 At sila ay nanalangin at nagsabi: “Ikaw, O Jehova, na nakatatalos ng mga puso ng lahat,+ ipakilala mo kung alin sa dalawang lalaking ito ang iyong pinili,

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share