Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin+ mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod+ ka sa kaniya nang may sakdal na puso+ at may nakalulugod na kaluluwa;+ sapagkat ang lahat ng puso ay sinasaliksik ni Jehova,+ at ang bawat hilig ng mga kaisipan ay kaniyang natatalos.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang masumpungan mo siya;+ ngunit kung iiwan mo siya,+ itatakwil ka niya magpakailanman.+

  • Awit 62:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ang maibiging-kabaitan din ay nauukol sa iyo, O Jehova,+

      Sapagkat ginagantihan mo ang bawat isa ayon sa kaniyang gawa.+

  • Kawikaan 24:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung sasabihin mo: “Narito! Hindi namin alam iyon,”+ hindi ba ito matatalos niyaong sumusukat ng mga puso,+ at malalaman niyaong nagbabantay sa iyong kaluluwa+ at gagantihan nga niya ang makalupang tao ayon sa kaniyang gawa?+

  • Jeremias 32:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 dakila sa layunin+ at sagana sa mga gawa,+ ikaw na ang mga mata ay nakadilat sa lahat ng lakad ng mga anak ng mga tao,+ upang ibigay sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga lakad at ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo;+

  • Ezekiel 33:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “At kayo ay nagsabi, ‘Ang daan ni Jehova ay hindi nakaayos nang wasto.’+ Hahatulan ko nga kayo, bawat isa ayon sa kaniyang mga lakad,+ O sambahayan ng Israel.”

  • Mateo 16:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Sapagkat ang Anak ng tao ay itinalagang dumating na nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ng kaniyang mga anghel, at kung magkagayon ay gagantihan niya ang bawat isa ayon sa kaniyang paggawi.+

  • Roma 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ibibigay niya sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga gawa:+

  • 2 Corinto 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sapagkat tayong lahat ay dapat na mahayag sa harap ng luklukan ng paghatol ng Kristo,+ upang makamit ng bawat isa ang kaniyang gantimpala para sa mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa mga bagay na isinagawa niya, ito man ay mabuti o buktot.+

  • Galacia 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Huwag kayong palíligaw:+ Ang Diyos ay hindi isa na malilibak.+ Sapagkat anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin;+

  • 1 Pedro 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Karagdagan pa, kung tumatawag kayo sa Ama na humahatol nang walang pagtatangi+ ayon sa gawa ng bawat isa, gumawi kayo nang may takot+ sa panahon ng inyong paninirahan bilang dayuhan.+

  • Apocalipsis 22:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “ ‘Narito! Ako ay dumarating nang madali,+ at ang gantimpala+ na aking ibibigay ay nasa akin, upang iukol sa bawat isa ang ayon sa kaniyang gawa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share