Awit
Sa tagapangasiwa. Ni David, isang awitin.
40 May-pananabik akong umasa kay Jehova,+
Kung kaya ikiniling niya sa akin ang kaniyang pandinig at dininig ang aking paghingi ng tulong.+
2 Iniahon din niya ako mula sa umuugong na hukay,+
Mula sa lusak ng burak.+
Pagkatapos ay itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato;+
Itinatag niya nang matibay ang aking mga hakbang.+
3 Isa pa, naglagay siya sa aking bibig ng isang bagong awit,
Papuri sa ating Diyos.+
Marami ang makakakita niyaon at matatakot,+
At magtitiwala sila kay Jehova.+
4 Maligaya ang matipunong lalaki na ginagawang kaniyang tiwala si Jehova+
At hindi nagbaling ng kaniyang mukha sa mga taong sumasalansang,
Ni sa mga nahuhulog sa mga kasinungalingan.+
5 Maraming bagay ang iyong ginawa,+
O Jehova na aking Diyos, maging ang iyong mga kamangha-manghang gawa at ang iyong mga kaisipan sa amin;+
Walang sinumang maihahambing sa iyo.+
Naisin ko mang saysayin at salitain ang tungkol sa mga iyon,
Ang mga iyon ay mas marami kaysa sa kaya kong isalaysay.+
6 Ang hain at handog ay hindi mo kinalugdan;+
Ang mga tainga kong ito ay binuksan mo.+
Ang handog na sinusunog at ang handog ukol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.+
7 Sa dahilang iyan, sinabi ko: “Narito, ako ay dumating,+
Sa balumbon ng aklat ay nakasulat iyon tungkol sa akin.+
8 Ang gawin ang iyong kalooban, O Diyos ko, ay kinalulugdan ko,+
At ang iyong kautusan ay nasa aking mga panloob na bahagi.+
9 Inihayag ko ang mabuting balita ng katuwiran sa malaking kongregasyon.+
Narito! Ang aking mga labi ay hindi ko pinipigilan.+
O Jehova, nalalaman mo iyan nang lubos.+
10 Ang iyong katuwiran ay hindi ko tinakpan sa loob ng aking puso.+
Ang iyong katapatan at ang iyong pagliligtas ay ipinahayag ko.+
Hindi ko itinago ang iyong maibiging-kabaitan at ang iyong katotohanan sa malaking kongregasyon.”+
11 O Jehova, huwag mong ipagkait sa akin ang iyong habag.+
Ingatan nawa akong lagi ng iyong maibiging-kabaitan at ng iyong katotohanan.+
12 Sapagkat pinalibutan ako ng mga kapahamakan hanggang sa hindi na mabilang ang mga iyon.+
Inabutan ako ng mga kamalian ko na higit pa kaysa sa kaya kong tingnan;+
Ang mga iyon ay naging mas marami kaysa sa mga buhok sa aking ulo,+
At iniwan ako ng aking puso.+
13 Kalugdan mo nawa, O Jehova, ang pagliligtas sa akin.+
O Jehova, sa pagtulong sa akin ay magmadali ka.+
14 Mapahiya nawa at malito silang sama-sama+
Yaong mga naghahanap sa aking kaluluwa upang lipulin ito.+
Mapaurong nawa at maaba yaong mga nalulugod sa aking kapahamakan.+
15 Tumitig nawa sila sa pagkamangha dahil sa kanilang kahihiyan+
Yaong mga nagsasabi sa akin: “Aha! Aha!”+