Awit
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David.
41 Maligaya ang sinumang gumagawi nang may pakundangan sa maralita;+
Sa araw ng kapahamakan ay paglalaanan siya ni Jehova ng pagtakas.+
2 Babantayan siya ni Jehova at iingatan siyang buháy.+
Ipahahayag siyang maligaya sa lupa;+
At hindi mo siya maibibigay sa kaluluwa ng kaniyang mga kaaway.+
3 Aalalayan siya ni Jehova sa kama ng karamdaman;+
Ang buong higaan niya ay papalitan mo nga sa panahon ng kaniyang pagkakasakit.+
4 Sa ganang akin, sinabi ko: “O Jehova, pagpakitaan mo ako ng lingap.+
Pagalingin mo ang aking kaluluwa, sapagkat nagkasala ako laban sa iyo.”+
5 Kung tungkol sa aking mga kaaway, nagsasabi sila ng masama tungkol sa akin:+
“Kailan ba siya mamamatay at ang kaniyang pangalan ay talagang maglalaho?”
6 At kung may dumating upang makita ako, kabulaanan ang sasalitain ng kaniyang puso;+
Magtitipon siya sa ganang kaniya ng bagay na nakasasakit;
Lalabas siya; sa labas ay sasalitain niya iyon.+
7 May-pagkakaisang nagbubulung-bulungan laban sa akin ang lahat ng napopoot sa akin;+
Laban sa akin ay lagi silang nagpapakana ng kasamaan para sa akin:+
8 “Isang walang-kabuluhang bagay ang nabuhos sa kaniya;+
Ngayong nakahiga na siya, hindi na siya muling babangon pa.”+
9 Gayundin ang taong may pakikipagpayapaan sa akin, na pinagtiwalaan ko,+
Na kumakain ng aking tinapay,+ ay nag-angat ng kaniyang sakong laban sa akin.+
10 Kung tungkol sa iyo, O Jehova, pagpakitaan mo ako ng lingap at ibangon mo ako,+
Upang magantihan ko sila.+
11 Sa ganito ay nalalaman kong kinalugdan mo ako,
Sapagkat ang aking kaaway ay hindi sumisigaw nang may pagbubunyi laban sa akin.+
12 Kung tungkol sa akin, dahil sa aking katapatan ay itinaguyod mo ako,+
At ilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha hanggang sa panahong walang takda.+
13 Pagpalain nawa si Jehova na Diyos ng Israel+
Mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda.+
Amen at Amen.+