Awit
IKALAWANG AKLAT
Sa tagapangasiwa. Maskil para sa mga anak ni Kora.+
42 Gaya ng babaing usa na nananabik sa mga batis ng tubig,
Gayon nananabik sa iyo ang akin mismong kaluluwa, O Diyos.+
2 Ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa Diyos,+ sa Diyos na buháy.+
Kailan ako paroroon at haharap sa Diyos?+
3 Ang aking mga luha ay naging pagkain sa akin araw at gabi,+
Habang sinasabi nila sa akin sa buong araw: “Nasaan ang iyong Diyos?”+
4 Ang mga bagay na ito ay aalalahanin ko, at ibubuhos ko ang aking kaluluwa sa loob ko.+
Sapagkat dati akong nagdaraang kasama ng karamihan,
Dati akong lumalakad nang marahan sa unahan nila patungo sa bahay ng Diyos,+
Na may tinig ng hiyaw ng kagalakan at pasasalamat,+
Ng isang pulutong na nagdiriwang ng kapistahan.+
5 Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko,+
At bakit ka nababagabag sa loob ko?+
Maghintay ka sa Diyos,+
Sapagkat pupurihin ko pa siya bilang ang dakilang kaligtasan ng aking pagkatao.+
6 O Diyos ko, sa loob ko ay nanlulumo ang aking kaluluwa.+
Kaya naman kita naaalaala,+
Mula sa lupain ng Jordan at sa mga taluktok ng Hermon,+
Mula sa maliit na bundok.+
7 Ang matubig na kalaliman ay tumatawag sa matubig na kalaliman
Sa lagaslas ng iyong mga bulwak ng tubig.
Ang lahat ng mga daluyong mo at mga alon mo+—
Dumaan sa ibabaw ko ang mga iyon.+
8 Sa araw ay uutusan ni Jehova ang kaniyang maibiging-kabaitan,+
At sa gabi ay sasaakin ang kaniyang awit;+
Dadalanginan ang Diyos ng aking buhay.+
9 Sasabihin ko sa Diyos na aking malaking bato:+
“Bakit mo ako kinalimutan?+
Bakit ako naglalakad na malungkot dahil sa paniniil ng kaaway?”+