Awit
Sa tagapangasiwa ng Jedutun.+ Awitin ni David.
39 Sinabi ko: “Babantayan ko ang aking mga lakad+
Upang huwag akong magkasala sa pamamagitan ng aking dila.+
Maglalagay ako ng busal bilang bantay sa aking bibig,+
Hangga’t may sinumang balakyot sa harap ko.”+
2 Ako ay napipi sa pagtahimik;+
Ako ay tumahimik tungkol sa kung ano ang mabuti,+
At ang aking kirot ay isinumpa.
3 Ang aking puso ay nag-init sa loob ko;+
Habang ako ay nagbubuntunghininga ay patuloy na nagniningas ang apoy.
Nagsalita ako sa pamamagitan ng aking dila:
4 “Ipaalam mo sa akin, O Jehova, ang aking wakas,+
At ang sukat ng aking mga araw—kung ano ito,+
Upang malaman ko kung paanong ako ay panandalian lamang.+
5 Narito! Ginawa mong kaunti lamang ang aking mga araw;+
At ang lawig ng aking buhay ay tila walang anuman sa harap mo.+
Tunay na ang bawat makalupang tao, bagaman nakatayong matatag, ay isang singaw lamang.+ Selah.
6 Tunay na parang guniguning lumalakad ang tao.+
Tunay na nababagabag sila nang walang kabuluhan.+
Ang isa ay nag-iimbak ng mga bagay at hindi niya alam kung sino ang kukuha ng mga iyon.+
8 Mula sa lahat ng aking mga pagsalansang ay iligtas mo ako.+
Huwag mo akong gawing pandurusta ng hangal.+
9 Nanatili akong di-makapagsalita;+ hindi ko maibuka ang aking bibig,+
Sapagkat ikaw mismo ang kumilos.+
10 Alisin mo sa akin ang iyong salot.+
Dahil sa pagkapoot ng iyong kamay ay sumapit ako sa kawakasan.+
11 Sa pamamagitan ng mga pagsaway laban sa kamalian ay itinuwid mo ang tao,+
At nilalamon mo ang kaniyang mga kanais-nais na bagay gaya ng ginagawa ng tangà.+
Tunay na ang bawat makalupang tao ay isang singaw.+ Selah.