Awit
א [Alep]
119 Maligaya ang mga walang pagkukulang sa kanilang lakad,+
Ang mga lumalakad sa kautusan ni Jehova.+
7 Pupurihin kita sa katapatan ng puso,+
Kapag natutuhan ko ang iyong matuwid na mga hudisyal na pasiya.+
ב [Bet]
9 Paano lilinisin ng isang kabataang lalaki+ ang kaniyang landas?
Sa pananatiling mapagbantay ayon sa iyong salita.+
14 Sa daan ng iyong mga paalaala ay nagbunyi ako,+
Na gaya ng sa lahat ng iba pang mahahalagang pag-aari.+
ג [Gimel]
17 Makitungo ka nang may kawastuan sa iyong lingkod, upang mabuhay ako+
At upang matupad ko ang iyong salita.+
18 Alisin mo ang takip sa aking mga mata, upang makita ko+
Ang mga kamangha-manghang bagay mula sa iyong kautusan.+
19 Ako ay isang naninirahang dayuhan lamang sa lupain.+
Huwag mong ikubli sa akin ang iyong mga utos.+
20 Ang aking kaluluwa ay nadudurog sa pananabik+
Sa iyong mga hudisyal na pasiya sa lahat ng panahon.+
22 Igulong mo mula sa akin ang pandurusta at panghahamak,+
Sapagkat tinupad ko ang iyong mga paalaala.+
23 Maging mga prinsipe ay umupo; laban sa akin ay nag-usap-usap sila.+
Kung tungkol sa iyong lingkod, nagtutuon siya ng pansin sa iyong mga tuntunin.+
ד [Dalet]
25 Ang aking kaluluwa ay dumikit na sa mismong alabok.+
Ingatan mo akong buháy ayon sa iyong salita.+
26 Ipinahayag ko ang aking sariling mga daan, upang masagot mo ako.+
Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
27 Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga pag-uutos,+
Upang makapagtuon ako ng pansin sa iyong mga kamangha-manghang gawa.+
30 Ang daan ng katapatan ay aking pinili.+
Ang iyong mga hudisyal na pasiya ay itinuring kong angkop.+
32 Tatakbuhin ko ang mismong daan ng iyong mga utos,+
Sapagkat pinaglalaanan mo ng dako ang aking puso.+
ה [He]
33 Turuan mo ako, O Jehova, hinggil sa daan ng iyong mga tuntunin,+
Upang matupad ko iyon hanggang sa kahuli-hulihan.+
34 Ipaunawa mo sa akin, upang matupad ko ang iyong kautusan+
At upang maingatan ko iyon nang buong puso.+
37 Palampasin mo ang aking mga mata sa pagtingin sa walang kabuluhan;+
Ingatan mo akong buháy sa iyong daan.+
39 Palampasin mo ang aking kadustaan, na aking kinatatakutan,+
Sapagkat ang iyong mga hudisyal na pasiya ay mabuti.+
ו [Waw]
41 At dumating nawa sa akin ang iyong mga maibiging-kabaitan, O Jehova,+
Ang iyong pagliligtas ayon sa iyong pananalita,+
43 At huwag mong lubusang alisin sa aking bibig ang salita ng katotohanan,+
Sapagkat naghintay ako sa iyong hudisyal na pasiya.+
44 At tutuparin kong lagi ang iyong kautusan,+
Hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
46 Magsasalita rin ako tungkol sa iyong mga paalaala sa harap ng mga hari,+
At hindi ako mapapahiya.+
48 At itataas ko ang aking mga palad sa iyong mga utos na aking iniibig,+
At magtutuon ako ng pansin sa iyong mga tuntunin.+
ז [Zayin]
50 Ito ang aking kaaliwan sa aking kapighatian,+
Sapagkat iningatan akong buháy ng iyong pananalita.+
52 Naalaala ko ang iyong mga hudisyal na pasiya mula nang panahong walang takda, O Jehova,+
At nakasumpong ako ng aking kaaliwan.+
53 Pinanaigan ako ng nagngangalit na pag-iinit dahil sa mga balakyot,+
Na nagpapabaya sa iyong kautusan.+
54 Ang iyong mga tuntunin ay naging mga awitin sa akin+
Sa bahay ng aking mga paninirahan bilang dayuhan.+
ח [Ket]
58 Pinalambot ko ang iyong mukha nang aking buong puso.+
Pagpakitaan mo ako ng lingap ayon sa iyong pananalita.+
59 Pinag-isipan ko ang aking mga lakad,+
Upang maipanumbalik ko ang aking mga paa sa iyong mga paalaala.+
62 Sa hatinggabi ay bumabangon ako upang magpasalamat sa iyo+
Dahil sa iyong matuwid na mga hudisyal na pasiya.+
64 O Jehova, ang lupa ay pinunô ng iyong maibiging-kabaitan.+
Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
ט [Tet]
66 Turuan mo ako ng kabutihan,+ ng katinuan+ at ng kaalaman,+
Sapagkat nanampalataya ako sa iyong mga utos.+
67 Bago ako napasailalim ng kapighatian ay nagkakasala ako nang di-sinasadya,+
Ngunit ngayon ay iniingatan ko na ang iyong pananalita.+
69 Dinungisan ako ng kabulaanan ng mga pangahas.+
Sa ganang akin, tutuparin ko ang iyong mga pag-uutos nang aking buong puso.+
70 Ang kanilang puso ay naging manhid na tulad ng taba.+
Sa ganang akin, kinagigiliwan ko ang iyong kautusan.+
72 Ang kautusan+ ng iyong bibig ay mabuti para sa akin,+
Higit pa kaysa sa libu-libong piraso ng ginto at pilak.+
י [Yod]
73 Ginawa ako ng iyong sariling mga kamay, at itinatag akong matibay ng mga iyon.+
Ipaunawa mo sa akin, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.+
74 Yaong mga may takot sa iyo ang siyang nakakakita sa akin at nagsasaya,+
Sapagkat naghintay ako sa iyong salita.+
75 Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang iyong mga hudisyal na pasiya ay katuwiran+
At sa katapatan ay pinighati mo ako.+
76 Pakisuyo, maging kaaliwan nawa sa akin ang iyong maibiging-kabaitan,+
Ayon sa iyong pananalita sa iyong lingkod.+
77 Dumating nawa sa akin ang iyong kaawaan, upang manatili akong buháy;+
Sapagkat ang iyong kautusan ang aking kinagigiliwan.+
78 Mapahiya nawa ang mga pangahas, sapagkat iniligaw nila ako nang walang dahilan.+
Sa ganang akin, pinagtutuunan ko ng pansin ang iyong mga pag-uutos.+
כ [Kap]
83 Sapagkat ako ay naging tulad ng sisidlang balat+ sa usok.
Ang iyong mga tuntunin ay hindi ko nililimot.+
84 Gaano karami ang mga araw ng iyong lingkod?+
Kailan ka maglalapat ng kahatulan laban sa mga umuusig sa akin?+
85 Ang mga pangahas ay nagdukal ng mga patibong upang hulihin ako,+
Yaong mga hindi sang-ayon sa iyong kautusan.+
86 Ang lahat ng iyong mga utos ay siyang katapatan.+
Pinag-uusig nila ako nang walang dahilan. O tulungan mo nawa ako.+
88 Ingatan mo akong buháy ayon sa iyong maibiging-kabaitan,+
Upang matupad ko ang paalaala ng iyong bibig.+
ל [Lamed]
90 Ang iyong katapatan ay sa sali’t salinlahi.+
Itinatag mong matibay ang lupa, upang ito ay mamalagi.+
91 Ayon sa iyong mga hudisyal na pasiya ay namamalagi sila hanggang sa ngayon,+
Sapagkat silang lahat ay mga lingkod mo.+
92 Kung ang iyong kautusan ay hindi ko kinagigiliwan,+
Kung gayon ay namatay na sana ako sa aking kapighatian.+
93 Hanggang sa panahong walang takda ay hindi ko lilimutin ang iyong mga pag-uutos,+
Sapagkat sa pamamagitan ng mga iyon ay iniingatan mo akong buháy.+
95 Inabangan ako ng mga balakyot, upang patayin ako.+
Sa iyong mga paalaala ay lagi akong nagbibigay-pansin.+
מ [Mem]
98 Pinangyayari ng iyong utos na maging mas marunong ako+ kaysa sa aking mga kaaway,
Sapagkat hanggang sa panahong walang takda ay sa akin iyon.+
99 Nagkaroon ako ng higit na kaunawaan kaysa sa lahat ng aking mga guro,+
Sapagkat ang iyong mga paalaala ay pinag-iisipan ko.+
100 Gumagawi akong may higit na unawa kaysa sa matatandang lalaki,+
Sapagkat tinupad ko ang iyong mga pag-uutos.+
101 Pinigilan ko ang aking mga paa mula sa lahat ng masamang landas,+
Sa layuning matupad ko ang iyong salita.+
102 Hindi ako lumihis mula sa iyong mga hudisyal na pasiya,+
Sapagkat ikaw mismo ang nagturo sa akin.+
103 Kay dulas sa aking ngalangala ng iyong mga pananalita,
Higit pa kaysa sa pulot-pukyutan sa aking bibig!+
104 Dahil sa iyong mga pag-uutos ay gumagawi akong may unawa.+
Kaya naman kinapopootan ko ang bawat landas ng kabulaanan.+
נ [Nun]
106 Ako ay sumumpa, at isasagawa ko iyon,+
Na iingatan ko ang iyong matuwid na mga hudisyal na pasiya.+
108 Pakisuyong kalugdan mo ang mga kusang-loob na handog ng aking bibig, O Jehova,+
At ituro mo sa akin ang iyong mga hudisyal na pasiya.+
110 Ang mga balakyot ay naglagay ng bitag para sa akin,+
Ngunit mula sa iyong mga pag-uutos ay hindi ako lumihis.+
111 Tinanggap ko ang iyong mga paalaala bilang pag-aari hanggang sa panahong walang takda,+
Sapagkat ang mga iyon ang ipinagbubunyi ng aking puso.+
112 Ikiniling ko ang aking puso sa paggawa ng iyong mga tuntunin+
Hanggang sa panahong walang takda, hanggang sa kahuli-hulihan.+
ס [Samek]
115 Lumayo kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan,+
Upang matupad ko ang mga utos ng aking Diyos.+
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong pananalita, upang manatili akong buháy,+
At huwag mo akong ilagay sa kahihiyan dahil sa aking pag-asa.+
118 Itinakwil mo silang lahat na lumilihis sa iyong mga tuntunin;+
Sapagkat ang kanilang pandaraya ay kabulaanan.+
119 Gaya ng maruming linab ay pinaglaho mo ang lahat ng balakyot sa lupa.+
Kaya iniibig ko ang iyong mga paalaala.+
120 Dahil sa panghihilakbot sa iyo ay nangingilabot ang aking laman;+
At dahil sa iyong mga hudisyal na pasiya ay natatakot ako.+
ע [Ayin]
124 Gawin mo sa iyong lingkod ang ayon sa iyong maibiging-kabaitan,+
At ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
127 Kaya naman iniibig ko ang iyong mga utos+
Nang higit pa kaysa sa ginto, maging sa dalisay na ginto.+
128 Kaya naman itinuturing kong marapat ang lahat ng pag-uutos tungkol sa lahat ng bagay;+
Ang bawat landas ng kabulaanan ay kinapopootan ko.+
פ [Pe]
129 Ang iyong mga paalaala ay kamangha-mangha.+
Kaya naman ang mga iyon ay tinutupad ng aking kaluluwa.+
130 Ang mismong pagbubunyag ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag,+
Na nagpapaunawa sa mga walang-karanasan.+
131 Ibinuka kong mabuti ang aking bibig, upang ako ay makahingal,+
Sapagkat ang iyong mga utos ay pinananabikan ko.+
132 Bumaling ka sa akin at pagpakitaan mo ako ng lingap,+
Ayon sa iyong hudisyal na pasiya para sa mga umiibig sa iyong pangalan.+
133 Itatag mo nang matibay ang aking mga hakbang sa iyong pananalita,+
At huwag nawang manaig sa akin ang anumang bagay na nakasasakit.+
136 Mga daloy ng tubig ang tumulo mula sa aking mga mata+
Sa dahilang hindi nila tinupad ang iyong kautusan.+
צ [Tsade]
142 Ang iyong katuwiran ay katuwiran hanggang sa panahong walang takda,+
At ang iyong kautusan ay katotohanan.+
144 Ang katuwiran ng iyong mga paalaala ay hanggang sa panahong walang takda.+
Ipaunawa mo sa akin, upang manatili akong buháy.+
ק [Kop]
145 Tumawag ako nang aking buong puso.+ Sagutin mo ako, O Jehova.+
Ang iyong mga tuntunin ay tutuparin ko.+
147 Nakabangon na ako nang maaga sa pagbubukang-liwayway,+ upang humingi ako ng tulong.+
Ang iyong mga salita ay hinihintay ko.+
148 Ang aking mga mata ay nauuna sa mga pagbabantay sa gabi,+
Upang mapagtuunan ko ng pansin ang iyong pananalita.+
149 O dinggin mo nawa ang aking tinig ayon sa iyong maibiging-kabaitan.+
O Jehova, ingatan mo akong buháy ayon sa iyong hudisyal na pasiya.+
150 Yaong mga nagtataguyod ng mahalay na paggawi+ ay lumalapit;
Nagpakalayu-layo sila sa iyong kautusan.+
152 Noong sinaunang panahon ay nalaman ko ang ilan sa iyong mga paalaala,+
Sapagkat itinatag mo ang mga iyon hanggang sa panahong walang takda.+
ר [Res]
153 O tingnan mo nawa ang aking kapighatian, at iligtas mo ako;+
Sapagkat hindi ko nililimot ang iyong kautusan.+
154 O ipakipaglaban mo nawa ang aking usapin sa batas at tubusin mo ako;+
Ingatan mo akong buháy alinsunod sa iyong pananalita.+
155 Ang kaligtasan ay malayo sa mga balakyot,+
Sapagkat hindi nila hinahanap ang iyong mga tuntunin.+
156 Marami ang iyong kaawaan, O Jehova.+
Ayon sa iyong mga hudisyal na pasiya, O ingatan mo nawa akong buháy.+
157 Ang mga nang-uusig sa akin at ang aking mga kalaban ay marami.+
Mula sa iyong mga paalaala ay hindi ako lumihis.+
158 Nakita ko yaong mga taksil sa pakikitungo,+
At ako ay naririmarim, dahil hindi nila iniingatan ang iyong pananalita.+
159 O tingnan mo’t iniibig ko ang iyong mga pag-uutos.+
O Jehova, ingatan mo akong buháy ayon sa iyong maibiging-kabaitan.+
160 Ang diwa ng iyong salita ay katotohanan,+
At ang bawat matuwid na hudisyal na pasiya mo ay hanggang sa panahong walang takda.+
ש [Sin] o [Shin]
161 Mga prinsipe ang umusig sa akin nang walang dahilan,+
Ngunit ang aking puso ay nanghihilakbot sa iyong mga salita.+
163 Ang kabulaanan ay kinapopootan ko,+ at patuloy ko itong kinasusuklaman.+
Ang iyong kautusan ay iniibig ko.+
165 Ang saganang kapayapaan ay nauukol sa mga umiibig sa iyong kautusan,+
At sa kanila ay walang katitisuran.+
168 Tinutupad ko ang iyong mga pag-uutos at ang iyong mga paalaala,+
Sapagkat ang lahat ng aking mga lakad ay nasa harap mo.+
ת [Taw]
169 Dumating nawa sa harap mo ang aking pagsusumamo, O Jehova.+
Ayon sa iyong salita, O ipaunawa mo nawa sa akin.+
170 Makapasok nawa sa harap mo ang paghiling ko ng lingap.+
Ayon sa iyong pananalita, O iligtas mo nawa ako.+
171 Magbukal nawa ng papuri ang aking mga labi,+
Sapagkat itinuturo mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
172 Awitin nawa ng aking dila ang iyong pananalita,+
Sapagkat ang lahat ng iyong mga utos ay katuwiran.+