Awit
118 Magpasalamat kayo kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti;+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.+
2 Sabihin ngayon ng Israel:
“Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”+
3 Sabihin ngayon niyaong mga sa sambahayan ni Aaron:+
“Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”+
4 Sabihin ngayon niyaong mga may takot kay Jehova:+
“Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”+
5 Mula sa mga nakapipighating kalagayan ay tumawag ako kay Jah;+
Si Jah ay sumagot at inilagay niya ako sa maluwang na dako.+
7 Si Jehova ay nasa panig ko sa gitna niyaong mga tumutulong sa akin,+
Kaya ako mismo ay titingin sa mga napopoot sa akin.+
10 Pinalibutan ako ng lahat ng mga bansa.+
Dahil sa pangalan ni Jehova kung kaya ko sila napipigilan.+
11 Pinalibutan nila ako, oo, napalibutan na nila ako.+
Dahil sa pangalan ni Jehova kung kaya ko sila napipigilan.
12 Pinalibutan nila akong tulad ng mga bubuyog;+
Sila ay pinatay na tulad ng apoy sa mga tinikang-palumpong.+
Dahil sa pangalan ni Jehova kung kaya ko sila napipigilan.+
15 Ang tinig ng hiyaw ng kagalakan at kaligtasan+
Ay nasa mga tolda+ ng mga matuwid.+
Ang kanang kamay ni Jehova ay nagpapakita ng kalakasan.+
19 Buksan ninyo para sa akin ang mga pintuang-daan ng katuwiran.+
Papasok ako sa mga iyon; pupurihin ko si Jah.+
25 Ah, ngayon, Jehova, magligtas ka, pakisuyo!+
Ah, ngayon, Jehova, maggawad ka ng tagumpay, pakisuyo!+
26 Pagpalain nawa ang Isa na dumarating sa pangalan ni Jehova;+
Pinagpala namin kayo mula sa bahay ni Jehova.+