Awit Awit ng mga Pagsampa. 120 Tumawag ako kay Jehova sa aking kabagabagan,+At sinagot niya ako.+ 2 O Jehova, iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa mga labing bulaan,+Mula sa mapandayang dila.+ 3 Ano ba ang ibibigay sa iyo, at ano ba ang idaragdag sa iyo,O ikaw na mapandayang dila?+ 4 Pinatulis na mga palaso ng makapangyarihang lalaki,+Na may nagniningas na mga baga ng mga punong retama.+ 5 Sa aba ko, sapagkat nanirahan ako bilang dayuhan sa Mesec!+Nagtabernakulo akong kasama ng mga tolda ng Kedar.+ 6 Napakatagal nang nagtatabernakulo ng aking kaluluwa+Kasama ng mga napopoot sa kapayapaan.+ 7 Naninindigan ako para sa kapayapaan;+ ngunit kapag nagsasalita ako,Sila ay para sa digmaan.+