Sa tagapangasiwa. Ni David, upang magpaalaala.+
70 O Diyos, sa pagliligtas sa akin,+
O Jehova, sa pagtulong sa akin ay magmadali ka.+
2 Mapahiya nawa at malito yaong mga naghahanap sa aking kaluluwa.+
Mapaurong nawa at maaba yaong mga nalulugod sa aking kapahamakan.+
3 Mapabalik nawa dahil sa kanilang kahihiyan yaong mga nagsasabi: “Aha, aha!”+
4 Magbunyi nawa sila at magsaya sa iyo, silang lahat na humahanap sa iyo,+
At lagi nawa nilang sabihin: “Dakilain nawa ang Diyos!”—niyaong mga umiibig sa iyong pagliligtas.+
5 Ngunit ako ay napipighati at dukha.+
O Diyos, kumilos ka nang mabilis para sa akin.+
Ikaw ang aking katulong at ang Tagapaglaan ko ng pagtakas.+
O Jehova, huwag kang lubhang magluwat.+