Awit
2 Sa iyong katuwiran ay hanguin mo nawa ako at paglaanan ako ng pagtakas.+
Ikiling mo sa akin ang iyong pandinig at iligtas mo ako.+
3 Maging batong tanggulan ka sa akin na laging mapapasukan.+
Mag-utos kang iligtas ako,+
Sapagkat ikaw ang aking malaking bato at aking moog.+
4 O Diyos ko, paglaanan mo ako ng pagtakas mula sa kamay ng balakyot,+
Mula sa palad niyaong kumikilos nang di-makatarungan at may paniniil.+
5 Sapagkat ikaw ang aking pag-asa,+ O Soberanong Panginoong Jehova, ang aking pinagtitiwalaan mula pa sa aking pagkabata.+
6 Sa iyo ako sumasandig mula pa sa tiyan;+
Ikaw ang Isa na naghiwalay sa akin mula pa sa mga panloob na bahagi ng aking ina.+
Laging nasa iyo ang aking papuri.+
9 Huwag mo akong itakwil sa panahon ng katandaan;+
Kapag nanghihina na ang aking kalakasan ay huwag mo akong iwan.+
10 Sapagkat sinasabi ng mga kaaway ko may kinalaman sa akin,+
At ang mismong mga nagbabantay sa aking kaluluwa ay magkakasamang nagsasanggunian,+
11 Na nagsasabi: “Iniwan na siya ng Diyos.+
Tugisin at hulihin siya, sapagkat walang tagapagligtas.”+
13 Mapahiya nawa sila, sumapit nawa sila sa kanilang kawakasan,
yaong mga sumasalansang sa aking kaluluwa.+
Magtakip nawa ng kadustaan at kahihiyan yaong mga naghahangad ng aking kapahamakan.+
14 Ngunit kung tungkol sa akin, ako ay laging maghihintay,+
At ako ay magdaragdag sa lahat ng iyong papuri.
15 Ang aking bibig ay magsasalaysay ng iyong katuwiran,+
Ng iyong pagliligtas+ buong araw,
Sapagkat hindi ko nalaman ang mga bilang ng mga iyon.+
16 Ako ay darating na may dakilang kalakasan,+ O Soberanong+ Panginoong Jehova;
Isasaysay ko ang iyong katuwiran, ang iyo lamang.+
17 O Diyos, tinuruan mo ako mula pa sa aking pagkabata,+
At hanggang ngayon ay inihahayag ko ang tungkol sa iyong mga kamangha-manghang gawa.+
18 At maging hanggang sa katandaan at pagiging may-uban, O Diyos, huwag mo akong iwan,+
Hanggang sa masabi ko sa salinlahi ang tungkol sa iyong bisig,+
Sa kanilang lahat na darating, ang tungkol sa iyong kalakasan.+
19 Ang iyong katuwiran, O Diyos, ay hanggang sa kaitaasan;+
Kung tungkol sa mga dakilang bagay na iyong ginawa,+
O Diyos, sino ang tulad mo?+
20 Sa dahilang nagpakita ka sa akin ng maraming kabagabagan at kapahamakan,+
Buhayin mo nawa akong muli;+
At mula sa matubig na mga kalaliman ng lupa ay iahon mo nawa akong muli.+
22 Pupurihin din kita sa panugtog na de-kuwerdas,+
Kung tungkol sa iyong katapatan, O Diyos ko.+
Tutugtog ako para sa iyo sa alpa, O Banal ng Israel.+