Awit
Tungkol kay Solomon.
72 O Diyos, ibigay mo sa hari ang iyong mga hudisyal na pasiya,+
At sa anak ng hari ang iyong katuwiran.+
2 Ipagtanggol niya nawa ang usapin ng iyong bayan taglay ang katuwiran+
At ng iyong mga napipighati taglay ang hudisyal na pasiya.+
3 Ang mga bundok nawa ay magdala ng kapayapaan sa bayan,+
Gayundin ang mga burol, sa pamamagitan ng katuwiran.
4 Hatulan niya nawa ang mga napipighati sa bayan,+
Iligtas niya nawa ang mga anak ng dukha,
At durugin niya nawa ang mandaraya.
6 Bababa siyang tulad ng ulan sa ibabaw ng tinabasang damo,+
Tulad ng saganang ulan na bumabasa sa lupa.+
7 Sa kaniyang mga araw ay sisibol ang matuwid,+
At ang kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan.+
9 Sa harap niya ay yuyukod ang mga tumatahan sa mga pook na walang tubig,+
At hihimurin ng kaniya mismong mga kaaway ang alabok.+
10 Ang mga hari ng Tarsis at ng mga pulo+—
Magbabayad sila ng tributo.+
Ang mga hari ng Sheba at ng Seba—
Maghahandog sila ng kaloob.+
11 At magpapatirapa sa kaniya ang lahat ng mga hari;+
Ang lahat ng mga bansa, sa ganang kanila, ay maglilingkod sa kaniya.+
12 Sapagkat ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong,+
Gayundin ang napipighati at ang sinumang walang katulong.+
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa mula sa paniniil at mula sa karahasan,
At ang kanilang dugo ay magiging mahalaga sa kaniyang paningin.+
15 At mabuhay nawa siya,+ at mabigyan nawa siya ng ginto ng Sheba.+
At para sa kaniya ay lagi nawang may manalangin;
Pagpalain nawa siya buong araw.+
16 Magkakaroon ng saganang butil sa lupa;+
Sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.+
Ang kaniyang bunga ay magiging gaya ng sa Lebanon,+
At yaong mga mula sa lunsod ay mamumulaklak na tulad ng pananim sa lupa.+
17 Ang kaniyang pangalan nawa ay maging hanggang sa panahong walang takda;+
Sa harap ng araw ay lumago nawa ang kaniyang pangalan,
At sa pamamagitan niya ay pagpalain nawa nila ang kanilang sarili;+
Ipahayag nawa siyang maligaya ng lahat ng mga bansa.+
18 Pagpalain nawa ang Diyos na Jehova, ang Diyos ng Israel,+
Na siyang tanging gumagawa ng mga kamangha-manghang gawa.+
19 At pagpalain nawa ang kaniyang maluwalhating pangalan hanggang sa panahong walang takda,+
At punuin nawa ng kaniyang kaluwalhatian ang buong lupa.+
Amen at Amen.
20 Ang mga panalangin ni David, na anak ni Jesse,+ ay nagwakas na.