Awit
IKATLONG AKLAT
Awitin ni Asap.+
73 Ang Diyos ay tunay na mabuti sa Israel, doon sa mga may malinis na puso.+
2 Kung tungkol sa akin, ang aking mga paa ay muntik nang mapaliko,+
Ang aking mga hakbang ay muntik nang madupilas.+
5 Wala man lamang sila sa kabagabagan ng taong mortal,+
At hindi sila sinasalot na katulad ng ibang mga tao.+
6 Kaya ang kapalaluan ay nagsilbing isang kuwintas sa kanila;+
Binabalot sila ng karahasan na gaya ng kasuutan.+
8 Nanunudyo sila at nagsasalita ng tungkol sa kasamaan;+
Tungkol sa pandaraya ay nagsasalita sila sa matayog na paraan.+
10 Kaya ibinabalik niya rito ang kaniyang bayan,
At ang tubig niyaong punô ay sinasaid para sa kanila.
12 Narito! Ito ang mga balakyot, na panatag sa habang panahon.+
Pinalago nila ang kanilang kabuhayan.+
13 Tunay na walang kabuluhan ang paglilinis ko ng aking puso+
At ang paghuhugas ko ng aking mga kamay sa kawalang-sala.+
15 Kung sinabi ko: “Magkukuwento ako ng tulad niyan,”
Narito! laban sa salinlahi ng iyong mga anak
Ako ay kumilos nang may kataksilan.+
16 At nag-isip-isip ako upang malaman ito;+
Ito ay kabagabagan sa aking paningin,
17 Hanggang sa ako ay pumasok sa maringal na santuwaryo ng Diyos.+
Ninais kong matalos ang kanilang kinabukasan.+
19 O ano’t sila ay naging bagay na panggigilalasan sa isang sandali!+
Ano’t sumapit sila sa kanilang kawakasan, sumapit sa kanilang katapusan sa pamamagitan ng mga biglaang kakilabutan!
20 Tulad ng isang panaginip pagkagising, O Jehova,+
Gayon mo hahamakin ang kanila mismong larawan kapag gumising ka.+
21 Sapagkat ang aking puso ay pumait+
At sa aking mga bato ay nagkaroon ako ng matinding kirot,+
22 At ako ay naging walang katuwiran at hindi ako makaalam;+
Ako ay naging gaya lamang ng mga hayop sa iyong pangmalas.+
26 Ang aking katawan at ang aking puso ay nanghina.+
Ang Diyos ay ang bato ng aking puso at ang aking bahagi hanggang sa panahong walang takda.+