Awit
Maskil. Ni Asap.+
74 O Diyos, bakit ka nagtakwil magpakailanman?+
Bakit umuusok pa ang iyong galit laban sa kawan ng iyong pastulan?+
2 Alalahanin mo ang iyong kapulungan na binili mo noong sinaunang panahon,+
Ang tribo na tinubos mo bilang iyong mana,+
Ang Bundok Sion na ito na iyong tinahanan.+
3 Itaas mo ang iyong mga hakbang sa mga namamalaging pagkatiwangwang.+
Ang lahat ng bagay sa dakong banal ay pinakitunguhan nang masama ng kaaway.+
4 Yaong mga napopoot sa iyo ay umungal sa gitna ng iyong dako ng kapisanan.+
Inilagay nila ang sarili nilang mga tanda bilang siyang mga tanda.+
5 Ang isa ay bantog sa kasamaan sa pagiging gaya niya na nagtataas ng mga palakol sa palumpungan ng mga punungkahoy.
6 At ngayon ang mismong mga nililok doon, ang bawat isa, ay pinagtatataga nila ng palataw at ng mga pamalong may dulong bakal.+
7 Inihagis nila ang iyong santuwaryo sa apoy.+
Nilapastangan nila ang tabernakulo ng iyong pangalan hanggang sa mismong lupa.+
8 Sila, maging ang kanilang supling, ay sama-samang nagsabi sa kanilang puso:
“Ang lahat ng dako ng kapisanan ng Diyos ay susunugin sa lupain.”+
9 Ang aming mga tanda ay hindi namin nakikita; wala nang propeta,+
At walang sinuman sa amin ang nakaaalam kung hanggang kailan.
10 Hanggang kailan, O Diyos, mandurusta ang kalaban?+
Pakikitunguhan ba nang walang galang ng kaaway ang iyong pangalan magpakailanman?+
11 Bakit mo inilalabas ang iyong kamay, ang iyo ngang kanang kamay,+
Mula sa iyong dibdib upang tapusin kami?
12 Gayunman ang Diyos ang aking Hari mula pa noong sinaunang panahon,+
Ang Isa na nagsasagawa ng dakilang pagliligtas sa gitna ng lupa.+
13 Ikaw mismo ang nagpadaluyong sa dagat sa iyong sariling lakas;+
Binasag mo ang mga ulo ng mga dambuhalang hayop-dagat sa tubig.+
14 Ikaw mismo ang dumurog sa mga ulo ng Leviatan.+
Ibinigay mo ito bilang pagkain sa bayan, sa mga tumatahan sa mga pook na walang tubig.+
15 Ikaw ang Isa na humahati ng bukal at ng ilog;+
Ikaw mismo ang tumuyo ng mga ilog na umaagos nang walang tigil.+
17 Ikaw ang nagtatag ng lahat ng hangganan ng lupa;+
Ang tag-araw at ang taglamig—ikaw mismo ang nagtalaga ng mga iyon.+
18 Alalahanin mo ito: Ang kaaway ay nandusta, O Jehova,+
At ang isang hangal na bayan ay nakitungo nang walang galang sa iyong pangalan.+
19 Huwag mong ibigay sa mabangis na hayop ang kaluluwa ng iyong batu-bato.+
Huwag mong limutin ang buhay ng iyong mga napipighati magpakailanman.+
Sapagkat ang madidilim na dako sa lupa ay napuno ng mga tirahan ng karahasan.+
21 O huwag nawang bumalik na may pagkapahiya ang nasisiil.+
Purihin nawa ng napipighati at ng dukha ang iyong pangalan.+