Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 14:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At ang tubig ay patuloy na bumabalik.+ Nang dakong huli ay tinabunan nito ang mga karong pandigma at ang mga kabalyero na kabilang sa lahat ng hukbong militar ni Paraon na sumunod sa kanila sa dagat.+ Walang isa man sa kanila ang natira.+

  • Awit 136:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At siyang nagbulid kay Paraon at sa kaniyang hukbong militar sa Dagat na Pula:+

      Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+

  • Isaias 51:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan,+ O bisig ni Jehova!+ Gumising ka gaya ng mga araw noong sinaunang panahon, gaya noong mga salinlahi ng mga panahong malaon nang nakalipas.+ Hindi ba ikaw ang lumuray sa Rahab,+ na umulos sa dambuhalang hayop-dagat?+

  • Ezekiel 29:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Magsalita ka, at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito, ako ay laban sa iyo, O Paraon, hari ng Ehipto,+ ang malaking dambuhalang hayop-dagat+ na nahihigang nakaunat sa gitna ng kaniyang mga kanal ng Nilo,+ na nagsabi, ‘Ang aking Ilog Nilo ay akin, at ako—ako ang gumawa nito para sa aking sarili.’+

  • Ezekiel 32:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Anak ng tao, magpailanlang ka ng isang panambitan may kinalaman kay Paraon na hari ng Ehipto, at sabihin mo sa kaniya, ‘Gaya ng isang may-kilíng na batang leon ng mga bansa ay pinatahimik ka.+

      “ ‘At ikaw ay naging tulad ng dambuhalang hayop-dagat na nasa mga dagat,+ at patuloy kang bumubugso sa iyong mga ilog at patuloy mong pinagpuputik ng iyong mga paa ang tubig at pinarurumi ang kanilang mga ilog.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share