Awit
136 Magpasalamat kayo kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
2 Magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
3 Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
4 Sa mag-isang Gumagawa ng kamangha-mangha at dakilang mga bagay:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
5 Sa Isa na lumikha ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
6 Sa Isa na naglatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
7 Sa Isa na lumikha ng malalaking tanglaw:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
8 Ng araw nga upang magpuno kapag araw:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
9 Ng buwan at ng mga bituin upang sama-samang magpuno kapag gabi:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
10 Sa Isa na nanakit sa Ehipto sa kanilang mga panganay:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
11 At sa Isa na naglabas sa Israel mula sa gitna nila:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
12 Sa pamamagitan ng malakas na kamay at sa pamamagitan ng bisig na nakaunat:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;
13 Sa Isa na humati sa Dagat na Pula sa baha-bahagi:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
14 At siyang nagparaan sa Israel sa gitna nito:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
15 At siyang nagbulid kay Paraon at sa kaniyang hukbong militar sa Dagat na Pula:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
16 Sa Isa na pumatnubay sa kaniyang bayan sa ilang:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
17 Sa Isa na nanakit ng mga dakilang hari:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
18 At siyang pumatay ng mariringal na hari:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
19 Maging kay Sihon na hari ng mga Amorita:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
20 At kay Og na hari ng Basan:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
21 At siyang nagbigay ng kanilang lupain bilang mana:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
22 Isang mana sa Israel na kaniyang lingkod:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
23 Na umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
24 At siyang paulit-ulit na umagaw sa atin mula sa ating mga kalaban:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
25 Ang Isa na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng laman:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+
26 Magpasalamat kayo sa Diyos ng langit:+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.+