Awit
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonya+—doon kami umupo.+
Tumangis din kami nang maalaala namin ang Sion.+
3 Sapagkat yaong mga humahawak sa amin bilang bihag ay doon humihiling sa amin ng mga salita ng isang awit,+
At yaong mga nanlilibak sa amin—ng pagsasaya:+
“Awitin ninyo para sa amin ang isa sa mga awit ng Sion.”+
6 Dumikit na sana sa ngalangala ko ang aking dila,+
Kung hindi kita aalalahanin,+
Kung hindi ko itataas ang Jerusalem
Nang higit pa sa aking pangunahing dahilan ng pagsasaya.+
7 Alalahanin mo,+ O Jehova, ang araw ng Jerusalem+ may kinalaman sa mga anak ng Edom,+
Na mga nagsasabi: “Gibain iyon! Gibain iyon hanggang sa pundasyon sa loob niyaon!”+