Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nehemias 2:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At sinabi ko sa hari: “Mabuhay ang hari hanggang sa panahong walang takda!+ Bakit nga hindi magiging mapanglaw ang aking mukha gayong ang lunsod,+ ang bahay ng mga dakong libingan ng aking mga ninuno,+ ay wasak, at ang mga pintuang-daan nito ay natupok ng apoy?”+

  • Awit 84:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Ninanasa at minimithi rin ng aking kaluluwa ang mga looban ni Jehova.+

      Ang aking puso at ang akin mismong laman ay humihiyaw nang may kagalakan sa Diyos na buháy.+

  • Awit 102:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sapagkat ang iyong mga lingkod ay nakasumpong ng kaluguran sa kaniyang mga bato,+

      At sa kaniyang alabok ay itinutuon nila ang kanilang paglingap.+

  • Isaias 62:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 62 Alang-alang sa Sion ay hindi ako titigil,+ at alang-alang sa Jerusalem+ ay hindi ako mananahimik hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay suminag na gaya ng kaningningan,+ at ang kaniyang kaligtasan gaya ng sulo na nagniningas.+

  • Jeremias 51:50
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 50 “Kayong mga takas mula sa tabak, patuloy kayong yumaon. Huwag kayong tumigil.+ Mula sa malayo ay alalahanin ninyo si Jehova,+ at ang Jerusalem nawa ay sumainyong puso.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share