Awit
Para sa tagapangasiwa ng Gitit.+ Ng mga anak ni Kora. Isang awitin.
2 Ninanasa at minimithi rin ng aking kaluluwa ang mga looban ni Jehova.+
Ang aking puso at ang akin mismong laman ay humihiyaw nang may kagalakan sa Diyos na buháy.+
3 Maging ang ibon man ay nakasumpong ng bahay,
At ang langay-langayan ng pugad para sa kaniyang sarili,
Kung saan niya inilalagay ang kaniyang mga inakáy—
Ang iyong maringal na altar, O Jehova ng mga hukbo, aking Hari at aking Diyos!
6 Sa pagdaraan sa mababang kapatagan ng mga palumpong na baca,+
Ginagawa nila itong isang bukal;
Binabalutan ng tagapagturo+ ang kaniyang sarili ng mga pagpapala.
8 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, dinggin mo ang aking panalangin;+
Pakinggan mo, O Diyos ni Jacob.+ Selah.
10 Sapagkat ang isang araw sa iyong mga looban ay mas mabuti kaysa sa isang libo sa ibang dako.+
Pinili kong tumayo sa pintuan ng bahay ng aking Diyos+
Sa halip na maglibot sa mga tolda ng kabalakyutan.+
11 Sapagkat ang Diyos na Jehova ay araw+ at kalasag;+
Lingap at kaluwalhatian ang ibinibigay niya.+
Si Jehova ay hindi magkakait ng anumang mabuti sa mga lumalakad sa kawalang-pagkukulang.+
12 O Jehova ng mga hukbo, maligaya ang tao na nagtitiwala sa iyo.+