Awit
Isang awit. Awitin ni Asap.+
83 O Diyos, huwag nawang magkaroon ng katahimikan sa ganang iyo;+
Huwag kang manatiling walang imik, at huwag kang manahimik, O Makapangyarihan.+
2 Sapagkat, narito! ang iyo mismong mga kaaway ay nagkakagulo;+
At ang mga masidhing napopoot sa iyo ay nagtaas ng kanilang ulo.+
3 May-katusuhan nilang isinasagawa ang kanilang lihim na usapan laban sa iyong bayan;+
At nagsasabuwatan sila laban sa iyong mga nakakubli.+
4 Sinabi nila: “Halikayo at pawiin natin sila mula sa pagiging isang bansa,+
Upang ang pangalan ng Israel ay hindi na maalaala pa.”+
5 Sapagkat sa puso ay may-pagkakaisa silang nagsanggunian;+
Laban sa iyo ay nagtibay sila ng isang tipan,+
6 Ang mga tolda ng Edom+ at ng mga Ismaelita, ng Moab+ at ng mga Hagrita,+
11 Kung tungkol sa kanilang mga taong mahal, gawin mo silang tulad ni Oreb at tulad ni Zeeb,+
At tulad ni Zeba at tulad ni Zalmuna ang lahat ng kanilang mga duke,+
12 Na nagsabi: “Ariin natin ang mga tinatahanang dako ng Diyos para sa ating sarili.”+
13 O Diyos ko, gawin mo silang tulad ng gumugulong na dawag,+
Tulad ng pinaggapasan sa harap ng hangin.+
14 Tulad ng apoy na sumusunog sa kagubatan+
At tulad ng liyab na tumutupok ng mga bundok,+
15 Gayon mo nawa sila tugisin ng iyong unos+
At ligaligin mo nawa sila ng iyong bagyong hangin.+