Awit
Ni David.
2 Yuyukod ako tungo sa iyong banal na templo,+
At pupurihin ko ang iyong pangalan,+
Dahil sa iyong maibiging-kabaitan+ at dahil sa iyong katapatan.+
Sapagkat dinakila mo ang iyong pananalita+ nang higit pa sa iyong buong pangalan.+
3 Nang araw na ako ay tumawag, sinagot mo rin ako;+
Pinasimulan mong patapangin ako sa aking kaluluwa sa pamamagitan ng lakas.+
4 Pupurihin ka ng lahat ng mga hari sa lupa, O Jehova,+
Sapagkat maririnig nila ang mga pananalita ng iyong bibig.
6 Sapagkat si Jehova ay mataas, gayunma’y nakikita niya ang mapagpakumbaba;+
Ngunit ang matayog ay kilala lamang niya sa malayo.+