Awit
Para sa tagapangasiwa. Ni David. Isang awitin.
139 O Jehova, siniyasat mo ako, at kilala mo ako.+
2 Nalalaman mo rin ang aking pag-upo at ang aking pagtayo.+
Isinaalang-alang mo ang aking kaisipan mula sa malayo.+
3 Ang aking paglalakbay at ang aking paghigang nakaunat ay sinukat mo,+
At naging pamilyar ka sa lahat nga ng aking mga lakad.+
5 Sa likuran at sa harap, kinubkob mo ako;
At ipinatong mo sa akin ang iyong kamay.
6 Ang gayong kaalaman ay lubhang kamangha-mangha para sa akin.+
Napakataas niyaon anupat hindi ko maabot.+
8 Kung aakyat ako sa langit, naroon ka;+
At kung ilalatag ko ang aking higaan sa Sheol, narito! ikaw ay doroon.+
9 Kung kukunin ko ang mga pakpak+ ng bukang-liwayway,
Upang makatahan ako sa kalayu-layuang dagat,+
10 Doon din ay papatnubayan ako ng iyong kamay+
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.+
11 At kung sasabihin ko: “Tiyak na mabilis akong aagawin ng kadiliman!”+
Ang gabi nga ay magiging liwanag sa palibot ko.+
12 Maging ang kadiliman ay hindi magiging napakadilim sa iyo,+
Kundi ang gabi ay magliliwanag na gaya ng araw;+
Ang kadiliman ay para na ring liwanag.+
13 Sapagkat ikaw mismo ang gumawa ng aking mga bato;+
Iningatan mo akong natatabingan sa tiyan ng aking ina.+
14 Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.+
Ang iyong mga gawa ay kamangha-mangha,+
Gaya ng lubos na nababatid ng aking kaluluwa.+
15 Ang aking mga buto ay hindi nakubli sa iyo+
Nang ako ay ginawa sa lihim,+
Nang ako ay hinabi sa pinakamabababang bahagi+ ng lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi,+
At sa iyong aklat ay nakatala ang lahat ng bahagi nito,
Tungkol sa mga araw nang bigyang-anyo ang mga iyon+
At wala pa ni isa man sa kanila.
17 Kaya sa akin ay pagkahala-halaga ng iyong mga kaisipan!+
O Diyos, pagkarami-rami ng hustong kabuuan ng mga iyon!+
18 Kung susubukan kong bilangin, ang mga iyon ay mas marami pa kaysa sa mga butil ng buhangin.+
Nagising ako, at kasama pa rin kita.+
19 O kung pinatay mo na sana ang balakyot, O Diyos!+
Kung magkagayon ay tiyak na hihiwalay sa akin ang mga taong may pagkakasala sa dugo,+
20 Na nagsasabi ng mga bagay tungkol sa iyo ayon sa kanilang kaisipan;+
Ginagamit nila ang iyong pangalan sa walang-kabuluhang paraan+—ng iyong mga kalaban.+