Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 16:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ngunit sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa kaniyang anyo at sa taas ng kaniyang tindig,+ sapagkat itinakwil ko siya. Sapagkat hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao [ang paraan ng pagtingin ng Diyos],+ sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata;+ ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.”+

  • 1 Hari 8:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 kung gayon ay makinig ka nawa mula sa langit,+ ang iyong tatag na dakong tinatahanan,+ at magpatawad ka+ at kumilos+ at magbigay sa bawat isa ng ayon sa lahat ng kaniyang mga lakad,+ sapagkat nalalaman mo ang kaniyang puso+ (sapagkat ikaw lamang ang lubos na nakaaalam sa puso ng lahat ng mga anak ng sangkatauhan);+

  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin+ mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod+ ka sa kaniya nang may sakdal na puso+ at may nakalulugod na kaluluwa;+ sapagkat ang lahat ng puso ay sinasaliksik ni Jehova,+ at ang bawat hilig ng mga kaisipan ay kaniyang natatalos.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang masumpungan mo siya;+ ngunit kung iiwan mo siya,+ itatakwil ka niya magpakailanman.+

  • Awit 17:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Sinuri mo ang aking puso, nagsiyasat ka sa gabi,+

      Dinalisay mo ako; matutuklasan mong hindi ako nagpakana+ ng anuman.

      Ang aking bibig ay hindi sasalansang.+

  • Awit 44:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Hindi ba ito sisiyasatin ng Diyos?+

      Sapagkat batid niya ang mga lihim ng puso.+

  • Awit 139:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo ang aking puso.+

      Suriin mo ako, at alamin mo ang aking mga nakababalisang kaisipan,+

  • Jeremias 12:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At ikaw, O Jehova, ay lubos na nakakakilala sa akin;+ nakikita mo ako, at sinuri mo ang aking puso kaisa ng iyong sarili.+ Piliin mo silang gaya ng tupang papatayin,+ at ibukod mo sila para sa araw ng pagpatay.

  • Jeremias 20:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ngunit ikaw, O Jehova ng mga hukbo, ang sumusuri sa matuwid;+ nakikita mo ang mga bato at ang puso.+ Makita ko nawa ang paghihiganti mo sa kanila,+ sapagkat sa iyo ko isiniwalat ang aking usapin sa batas.+

  • Hebreo 4:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At walang nilalang na hindi hayag sa kaniyang paningin,+ kundi ang lahat ng bagay ay hubad at hayagang nakalantad sa mga mata niya na pagsusulitan natin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share