Awit
Purihin ninyo ang pangalan ni Jehova,+
Maghandog kayo ng papuri, O mga lingkod ni Jehova,+
2 Kayong mga nakatayo sa bahay ni Jehova,+
Sa mga looban ng bahay ng ating Diyos.+
3 Purihin si Jah, sapagkat si Jehova ay mabuti.+
Umawit kayo sa kaniyang pangalan, sapagkat ito ay kaiga-igaya.+
4 Sapagkat pinili ni Jah si Jacob para sa kaniyang sarili,+
Ang Israel bilang kaniyang pantanging pag-aari.+
5 Sapagkat nalalaman kong lubos na si Jehova ay dakila,+
At ang ating Panginoon ay nakahihigit kaysa sa lahat ng iba pang diyos.+
6 Ang lahat ng kinalugdang gawin ni Jehova ay kaniyang ginawa+
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat at sa lahat ng matubig na mga kalaliman.+
7 Nagpapailanlang siya ng singaw mula sa dulo ng lupa;+
Gumawa pa man din siya ng mga paagusan para sa ulan;+
Inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan,+
8 Siyang nanakit sa mga panganay ng Ehipto,+
Sa tao man at sa hayop.+
9 Nagsugo siya ng mga tanda at mga himala sa gitna mo, O Ehipto,+
Kay Paraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod;+
10 Siyang nanakit ng maraming bansa+
At pumatay ng mga makapangyarihang hari,+
11 Maging kay Sihon na hari ng mga Amorita+
At kay Og na hari ng Basan+
At sa lahat ng mga kaharian sa Canaan,+
12 At siyang nagbigay ng kanilang lupain bilang mana,+
Isang mana sa Israel na kaniyang bayan.+
13 O Jehova, ang iyong pangalan ay hanggang sa panahong walang takda.+
O Jehova, ang iyong pinakaalaala ay sa sali’t salinlahi.+
14 Sapagkat ipagtatanggol ni Jehova ang usapin ng kaniyang bayan,+
At ikalulungkot niya ang tungkol sa kaniyang mga lingkod.+
16 May bibig sila, ngunit wala silang masalita;+
May mga mata sila, ngunit wala silang makita;+
17 May mga tainga sila, ngunit wala silang marinig.+
Wala ring espiritu sa kanilang bibig.+
19 O sambahayan ni Israel, pagpalain ninyo si Jehova.+
O sambahayan ni Aaron, pagpalain ninyo si Jehova.+