24 Dahil dito ay sinaktan siya ng Israel sa pamamagitan ng talim ng tabak+ at inari ang kaniyang lupain+ mula sa Arnon+ hanggang sa Jabok,+ malapit sa mga anak ni Ammon; sapagkat ang Jazer+ ang hanggahan ng mga anak ni Ammon.+
30 At hindi kami pinahintulutan ni Sihon na hari ng Hesbon na dumaan sa kaniya, sapagkat hinayaan ni Jehova na iyong Diyos na magmatigas+ ang kaniyang espiritu at maging matigas ang kaniyang puso, upang ibigay siya sa iyong kamay gaya ng sa araw na ito.+
4 At tiyak na gagawin sa kanila ni Jehova ang gaya ng ginawa niya kay Sihon+ at kay Og,+ na mga hari ng mga Amorita, at sa kanilang lupain, noong lipulin niya sila.+
21 Dahil dito ay ibinigay ni Jehova na Diyos ng Israel si Sihon at ang kaniyang buong bayan sa kamay ng Israel, anupat sinaktan nila ang mga ito at inari ng Israel ang buong lupain ng mga Amorita na tumatahan sa lupaing iyon.+