Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 7:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Kaagad na ginawa ni Moises at ni Aaron ang gayon,+ gaya ng iniutos ni Jehova,+ at itinaas niya ang tungkod at hinampas ang tubig na nasa Ilog Nilo sa paningin ni Paraon at ng kaniyang mga lingkod,+ at ang lahat ng tubig na nasa Ilog Nilo ay naging dugo.+

  • Exodo 8:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Kaya iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig ng Ehipto, at ang mga palaka ay nagsimulang umahon at tumakip sa lupain ng Ehipto.

  • Exodo 8:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At ginawa nila ito. Kaya iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay na hawak ang kaniyang tungkod at hinampas ang alabok ng lupa, at ang mga niknik ay napasatao at napasahayop. Ang lahat ng alabok ng lupa ay naging mga niknik sa buong lupain ng Ehipto.+

  • Exodo 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sa gayon ay ginawa ni Jehova ang bagay na ito nang sumunod na araw, at ang lahat ng uri ng mga alagang hayop ng Ehipto ay namatay;+ ngunit walang isa man sa mga alagang hayop ng mga anak ni Israel ang namatay.

  • Exodo 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Kaya kumuha sila ng abo sa hurnuhan at tumayo sa harap ni Paraon, at isinaboy iyon ni Moises sa langit, at iyon ay naging bukol na nagnanaknak,+ na tumutubo sa tao at sa hayop.

  • Exodo 9:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Kaya iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa langit; at si Jehova ay nagpasapit ng mga kulog at graniso,+ at may apoy na lumalagpak sa lupa, at si Jehova ay patuloy na nagpaulan ng graniso sa lupain ng Ehipto.

  • Exodo 10:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Iunat+ mo ang iyong kamay sa lupain ng Ehipto para sa mga balang, upang umahon ang mga iyon sa lupain ng Ehipto at lamunin ang lahat ng pananim sa lupain, ang lahat ng iniwan ng graniso.”+

  • Exodo 10:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Iunat mo ang iyong kamay sa langit,+ upang magkaroon ng kadiliman sa lupain ng Ehipto at madama ang kadiliman.”

  • Deuteronomio 4:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 O tinangka ba ng Diyos na yumaon upang kumuha ng isang bansa para sa kaniyang sarili mula sa gitna ng ibang bansa sa pamamagitan ng mga pagpapatunay,+ ng mga tanda+ at ng mga himala+ at ng digmaan+ at ng isang malakas na kamay+ at ng isang unat na bisig+ at ng matinding kakilabutan+ na gaya ng lahat ng ginawa ni Jehova na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harap ng iyong mga mata?

  • Nehemias 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Nang magkagayon ay nagbigay ka ng mga tanda at mga himala laban kay Paraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod at sa buong bayan ng kaniyang lupain,+ sapagkat nalaman mo na ang mga iyon ay kumilos nang may kapangahasan+ laban sa kanila; at ikaw ay gumawa ng pangalan+ para sa iyong sarili gaya ng sa araw na ito.

  • Awit 105:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Kanilang inilagay sa gitna nila ang mga bagay na may kaugnayan sa kaniyang mga tanda,+

      At ang mga himala sa lupain ni Ham.+

  • Gawa 7:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Ang taong ito ang naglabas+ sa kanila pagkatapos na gumawa ng mga palatandaan at mga tanda sa Ehipto+ at sa Dagat na Pula+ at sa ilang sa loob ng apatnapung taon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share