Awit
Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Isang awitin. Ni Asap.+ Isang awit.
75 Nagpapasalamat kami sa iyo, O Diyos; nagpapasalamat kami sa iyo,+
At ang iyong pangalan ay malapit.+
Ipahahayag ng mga tao ang iyong mga kamangha-manghang gawa.+
3 Yamang ang lupa at ang lahat ng tumatahan doon ay napugnaw,+
Ako ang nagsaayos ng mga haligi nito.”+ Selah.
4 Sinabi ko sa mga mangmang: “Huwag kayong magpakamangmang,”+
At sa mga balakyot: “Huwag ninyong itaas ang sungay.+
5 Huwag ninyong itaas sa kaitaasan ang inyong sungay.
Huwag kayong magsasalita nang may palalong leeg.+
6 Sapagkat hindi mula sa silangan ni mula man sa kanluran,
Ni mula man sa timog ang pagkakataas.
7 Sapagkat ang Diyos ang hukom.+
Ang isang ito ay ibinababa niya, at ang isang iyon ay itinataas niya.+
8 Sapagkat may kopa sa kamay ni Jehova,+
At ang alak ay bumubula, iyon ay punô ng halo.
At tiyak na ibubuhos niya mula roon ang latak niyaon;
Sasairin iyon, iinumin iyon, ng lahat ng balakyot sa lupa.”+