Awit
Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Isang awitin. Ni Asap.+ Isang awit.
3 Doon niya winasak ang nagliliyab na mga tagdan ng busog,+
Ang kalasag at ang tabak at ang pagbabaka.+ Selah.
4 Ikaw ay nababalutan ng liwanag, mas maringal kaysa sa mga bundok na pinangangasuhan.+
5 Ang mga makapangyarihan ang puso ay sinamsaman,+
Nag-antok sila hanggang sa makatulog,+
At walang sinuman sa lahat ng magigiting na lalaki ang nakasumpong ng kanilang mga kamay.+
6 Dahil sa iyong pagsaway, O Diyos ni Jacob, kapuwa ang tagapagpatakbo ng karo at ang kabayo ay nakatulog nang mahimbing.+
10 Sapagkat pupurihin ka ng pagngangalit ng tao;+
Ang nalalabing pagngangalit ay ibibigkis mo sa iyo.