Awit
Sa tagapangasiwa ng Jedutun. Ni Asap.+ Isang awitin.
77 Sa pamamagitan ng aking tinig ay daraing ako sa Diyos,+
Sa pamamagitan ng aking tinig sa Diyos, at tiyak na pakikinggan niya ako.+
2 Sa araw ng aking kabagabagan ay hinanap ko si Jehova.+
Sa gabi ay nakaunat ang aking kamay at hindi namamanhid;
Ang aking kaluluwa ay tumangging maaliw.+
3 Aalalahanin ko ang Diyos at ako ay mababagabag;+
Ako ay mababahala, anupat manlulupaypay ang aking espiritu.+ Selah.
5 Pinag-isipan ko ang mga araw noong sinaunang panahon,+
Ang mga taon noong nakalipas na panahong walang takda.
6 Aalalahanin ko ang aking musika sa panugtog na de-kuwerdas sa gabi;+
Ako ay mababahala sa aking puso,+
At ang aking espiritu ay maingat na magsasaliksik.
7 Magtatakwil kaya si Jehova hanggang sa mga panahong walang takda,+
At hindi na ba siya muling malulugod?+
8 Ang kaniya bang maibiging-kabaitan ay nagwakas na magpakailanman?+
Ang kaniya bang pananalita ay nawalan na ng kabuluhan+ sa sali’t salinlahi?
9 Nakalimutan na ba ng Diyos ang maging mapagbiyaya,+
O sinarhan na ba niya ang kaniyang kaawaan dahil sa galit?+ Selah.
10 At palagi ko bang sasabihin: “Ito ang umuulos sa akin,+
Ang pagbabago ng kanang kamay ng Kataas-taasan”?+
11 Aalalahanin ko ang mga gawa ni Jah;+
Sapagkat aalalahanin ko ang iyong kamangha-manghang gawain noong sinaunang panahon.+
12 At bubulay-bulayin ko ang lahat ng iyong gawa,+
At ang iyong mga gawain ay pagtutuunan ko ng pansin.+
14 Ikaw ang tunay na Diyos, na gumagawa nang kamangha-mangha.+
Sa gitna ng mga bayan ay ipinakikilala mo ang iyong lakas.+
16 Nakita ka ng tubig, O Diyos,
Nakita ka ng tubig; nagsimula silang dumanas ng matitinding kirot.+
Gayundin, ang matubig na mga kalaliman ay nagsimulang maligalig.+
17 Ang mga ulap ay madagundong na nagbuhos ng tubig;+
Isang ugong ang ipinarinig ng maulap na kalangitan.
Gayundin, ang iyong mga palaso ay nagparoo’t parito.+
18 Ang dagundong ng iyong kulog ay tulad ng mga gulong ng karo;+
Niliwanagan ng mga kidlat ang mabungang lupain;+
Ang lupa ay naligalig at nagsimulang umuga.+