17 “Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, O Jerusalem,+ ikaw na uminom mula sa kamay ni Jehova ng kaniyang kopa ng pagngangalit.+ Ang saro, ang kopa na sanhi ng pagsuray-suray, ay ininuman mo, sinaid mo.+
12 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: “Narito! Bagaman hindi nila kaugaliang uminom sa kopa, iinom sila nang walang pagsala.+ At ikaw, talaga bang hahayaan kang di-naparurusahan? Hindi ka hahayaang di-naparurusahan, sapagkat iinom ka nang walang pagsala.”+
10 iinom din siya ng alak ng galit ng Diyos na ibinubuhos nang walang halo sa kopa ng kaniyang poot,+ at pahihirapan+ siya sa apoy at asupre+ sa paningin ng mga banal na anghel at sa paningin ng Kordero.
19 At ang dakilang lunsod+ ay nahati sa tatlong bahagi, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak; at ang Babilonyang Dakila+ ay naalaala sa paningin ng Diyos, upang ibigay sa kaniya ang kopa ng alak ng galit ng kaniyang poot.+
6 Ibigay ninyo sa kaniya ang gaya rin ng kaniya mismong ibinigay,+ at gawin ninyo sa kaniya nang makalawang ulit pa, oo, makalawang dami ng mga bagay na ginawa niya;+ sa kopa+ na pinaglagyan niya ng halo ay maglagay kayo ng makalawang ulit+ pa ng halo para sa kaniya.+