Apocalipsis
16 At narinig ko ang isang malakas na tinig+ mula sa santuwaryo na nagsabi sa pitong anghel: “Humayo kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng galit+ ng Diyos.”
2 At humayo ang una+ at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa.+ At nagkaroon ng masakit at malubhang sugat+ ang mga tao na may marka ng mabangis na hayop+ at sumasamba sa larawan nito.+
3 At ibinuhos ng ikalawa+ ang kaniyang mangkok sa dagat.+ At ito ay naging dugo+ na gaya ng sa taong patay, at ang bawat buháy na kaluluwa ay namatay, oo, ang mga bagay na nasa dagat.+
4 At ibinuhos ng ikatlo+ ang kaniyang mangkok sa mga ilog+ at sa mga bukal ng mga tubig. At naging dugo ang mga iyon.+ 5 At narinig ko ang anghel sa mga tubig na nagsabi: “Ikaw, ang Isa na ngayon at ang nakaraan,+ ang Isa na matapat,+ ay matuwid, sapagkat iginawad mo ang mga pasiyang ito,+ 6 sapagkat ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta,+ at binigyan mo sila ng dugo+ upang inumin. Nararapat iyon sa kanila.”+ 7 At narinig kong sinabi ng altar: “Oo, Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat,+ totoo at matuwid ang iyong mga hudisyal na pasiya.”+
8 At ibinuhos ng ikaapat+ ang kaniyang mangkok sa araw; at ipinagkaloob sa araw na pasuin+ ng apoy ang mga tao. 9 At napaso ang mga tao sa matinding init, ngunit namusong sila sa pangalan+ ng Diyos, na siyang may awtoridad+ sa mga salot na ito, at hindi sila nagsisi upang magbigay ng kaluwalhatian+ sa kaniya.
10 At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa trono ng mabangis na hayop.+ At nagdilim ang kaharian nito,+ at pinasimulan nilang ngatngatin ang kanilang mga dila dahil sa kanilang kirot, 11 ngunit namusong+ sila sa Diyos ng langit dahil sa kanilang mga kirot at dahil sa kanilang mga sugat, at hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga gawa.
12 At ibinuhos ng ikaanim+ ang kaniyang mangkok sa malaking ilog ng Eufrates,+ at ang tubig nito ay natuyo,+ upang maihanda ang daan para sa mga haring+ mula sa sikatan ng araw.
13 At nakakita ako ng tatlong maruruming kinasihang kapahayagan+ na tulad ng mga palaka+ na lumalabas sa bibig ng dragon+ at sa bibig ng mabangis na hayop+ at sa bibig ng bulaang propeta.+ 14 Sa katunayan, sila ay mga kapahayagang kinasihan+ ng mga demonyo at nagsasagawa ng mga tanda,+ at pumaparoon sila sa mga hari+ ng buong tinatahanang lupa,+ upang tipunin sila sa digmaan+ ng dakilang araw+ ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.+
15 “Narito! Ako ay dumarating na gaya ng isang magnanakaw.+ Maligaya ang nananatiling gising+ at nag-iingat ng kaniyang mga panlabas na kasuutan, upang hindi siya maglakad nang hubad at makita ng mga tao ang kaniyang kahihiyan.”+
16 At kanilang tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Har-Magedon.+
17 At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin.+ Dahil dito ay isang malakas na tinig+ ang lumabas sa santuwaryo mula sa trono, na nagsasabi: “Naganap na!” 18 At nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog, at nagkaroon ng isang malakas na lindol+ na ang gaya nito ay hindi pa nangyayari buhat nang umiral ang tao sa lupa,+ napakalawak na lindol,+ napakalakas. 19 At ang dakilang lunsod+ ay nahati sa tatlong bahagi, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak; at ang Babilonyang Dakila+ ay naalaala sa paningin ng Diyos, upang ibigay sa kaniya ang kopa ng alak ng galit ng kaniyang poot.+ 20 Gayundin, ang bawat pulo ay tumakas, at ang mga bundok ay hindi nasumpungan.+ 21 At makapal na graniso+ na ang bawat bato ay mga kasimbigat ng isang talento ang bumagsak sa mga tao mula sa langit, at namusong+ sa Diyos ang mga tao dahil sa salot ng graniso,+ sapagkat ang salot nito ay lubhang matindi.