Panaghoy
א [Alep]
3 Ako ang matipunong lalaki na nakakita ng kapighatian+ dahil sa baston ng kaniyang poot.
2 Ako ang kaniyang inakay at pinalalakad sa kadiliman at hindi sa liwanag.+
3 Tunay nga, laban sa akin ay paulit-ulit niyang iginagalaw ang kaniyang kamay sa buong araw.+
ב [Bet]
4 Pinanghina niya ang aking laman at ang aking balat.+ Binali niya ang aking mga buto.+
5 Siya ay nagtayo laban sa akin, upang mapalibutan+ niya ako ng nakalalasong halaman+ at ng paghihirap.
6 Sa madidilim na dako+ ay pinaupo niya akong tulad ng mga taong mahabang panahon nang patay.+
ג [Gimel]
7 Hinarangan niya ako ng waring pader na bato, upang hindi ako makalabas.+ Pinabigat niya ang aking mga pangaw na tanso.+
8 Gayundin, kapag ako ay humihingi ng saklolo at humihiling ng tulong, hinahadlangan nga niya ang aking panalangin.+
9 Hinarangan niya ang aking mga daan ng tinabas na bato.+ Ang aking mga landas ay pinilipit niya.+
ד [Dalet]
10 Sa akin ay gaya siya ng isang oso na nag-aabang,+ gaya ng isang leon sa mga kublihang dako.+
11 Ang aking mga daan ay ginulo niya, at pinababayaan niya akong nakatiwangwang. Ako ay ginawa niyang kaaba-aba.+
12 Niyapakan niya ang kaniyang busog,+ at inilalagay niya ako bilang tudlaan ng palaso.+
ה [He]
13 Isinaksak niya sa aking mga bato ang mga anak ng kaniyang talanga.+
14 Ako ay naging katatawanan+ ng buong bayang laban sa akin, ang paksa ng kanilang awit sa buong araw.+
15 Pinagsawa niya ako sa mapapait na bagay.+ Inumay niya ako sa ahenho.+
ו [Waw]
16 At sa pamamagitan ng graba ay binabali niya ang aking mga ngipin.+ Pinayukyok niya ako sa abo.+
17 Nagtatakwil ka rin anupat walang kapayapaan ang aking kaluluwa. Nawala na sa aking alaala kung ano ang mabuti.+
18 At patuloy kong sinasabi: “Ang aking kagalingan ay naglaho, at ang aking inaasahan mula kay Jehova.”+
ז [Zayin]
19 Alalahanin mo ang aking kapighatian at ang aking kawalan ng tahanan,+ ang ahenho at ang nakalalasong halaman.+
20 Walang pagsalang maaalaala ng iyong kaluluwa at yuyuko sa ibabaw ko.+
21 Ito ang gugunitain ko sa aking puso.+ Kaya naman ako ay magpapakita ng mapaghintay na saloobin.+
ח [Ket]
22 Dahil sa mga gawa ng maibiging-kabaitan+ ni Jehova kung kaya hindi pa tayo nalilipol,+ sapagkat ang kaniyang kaawaan ay tiyak na hindi magwawakas.+
23 Ang mga iyon ay bago sa bawat umaga.+ Ang iyong katapatan ay sagana.+
24 “Si Jehova ang aking bahagi,”+ ang sabi ng aking kaluluwa, “kaya naman ako ay magpapakita ng mapaghintay na saloobin sa kaniya.”+
ט [Tet]
25 Mabuti si Jehova doon sa umaasa sa kaniya,+ sa kaluluwang patuloy na humahanap sa kaniya.+
26 Mabuti sa isa ang maghintay,+ nang tahimik nga,+ sa pagliligtas ni Jehova.+
27 Mabuti sa isang matipunong lalaki ang magpasan ng pamatok sa panahon ng kaniyang kabataan.+
י [Yod]
28 Umupo siyang mag-isa at manahimik,+ sapagkat may ipinataw siya sa kaniya.+
29 Ilagay niya ang kaniyang bibig sa mismong alabok.+ Marahil ay may pag-asa pa.+
30 Ibigay niya ang kaniyang pisngi doon sa nananakit sa kaniya.+ Mapuspos siya ng kadustaan.+
כ [Kap]
31 Sapagkat hindi hanggang sa panahong walang takda ay magtatakwil si Jehova.+
32 Sapagkat bagaman siya ay pumipighati,+ tiyak na magpapakita rin siya ng awa ayon sa kasaganaan ng kaniyang maibiging-kabaitan.+
33 Sapagkat hindi buhat sa kaniyang sariling puso kung kaya niya pinipighati o dinadalamhati ang mga anak ng mga tao.+
ל [Lamed]
34 Sa pagdurog sa lahat ng bilanggo+ sa lupa sa ilalim ng mga paa,+
35 Sa paglilihis sa kahatulan ng matipunong lalaki sa harap ng mukha ng Kataas-taasan,+
36 Sa pagbabaluktot sa isang tao sa kaniyang usapin sa batas, si Jehova ay walang pagsang-ayon.+
מ [Mem]
37 Sino nga ang nagsasabing may dapat mangyari gayong hindi naman nag-utos si Jehova?+
38 Sa bibig ng Kataas-taasan ay hindi lumalabas ang masasamang bagay at ang mabuti.+
39 Bakit magrereklamo ang isang taong buháy,+ ang matipunong lalaki dahil sa kaniyang kasalanan?+
נ [Nun]
40 Suriin natin ang ating mga lakad at siyasatin ang mga iyon,+ at manumbalik nga tayo kay Jehova.+
41 Itaas natin ang ating puso pati ang ating mga palad sa Diyos na nasa langit:+
42 “Kami ay sumalansang, at gumawi kami nang mapaghimagsik.+ Ikaw naman ay hindi nagpatawad.+
ס [Samek]
43 Hinarangan mo ng galit ang paglapit,+ at lagi mo kaming tinutugis.+ Pumatay ka; hindi ka nahabag.+
44 Hinarangan mo ng kaulapan+ ang lumalapit sa iyo, upang ang panalangin ay hindi makaraan.+
45 Ginagawa mo kaming hamak na sukal at basura sa gitna ng mga bayan.”+
פ [Pe]
46 Laban sa amin ay ibinuka ng lahat ng aming kaaway ang kanilang bibig.+
47 Ang panghihilakbot at ang hukay ay naging amin,+ ang pagkatiwangwang at ang pagkasira.+
48 Mga bukal ng tubig ang idinadaloy ng aking mata dahil sa pagkasira ng anak na babae ng aking bayan.+
ע [Ayin]
49 Ang akin mismong mata ay bumubuhos at ayaw tumigil, anupat walang mga patlang,+
50 Hanggang sa dumungaw si Jehova at tumingin mula sa langit.+
51 Ang aking mata ay nakitungo nang may kahigpitan sa aking kaluluwa,+ dahil sa lahat ng mga anak na babae ng aking lunsod.+
צ [Tsade]
52 Ang aking mga kaaway ay talagang naghahanap sa akin gaya ng sa isang ibon,+ nang walang dahilan.+
53 Ang aking buhay ay pinatahimik nila sa hukay,+ at patuloy nila akong pinupukol ng mga bato.
54 Tubig ang umaagos sa ibabaw ng aking ulo.+ Sinabi ko: “Ako ay tiyak na malilipol!”+
ק [Kop]
55 Tinawag ko ang iyong pangalan, O Jehova, mula sa isang hukay na napakalalim.+
56 Ang aking tinig ay dinggin mo.+ Huwag mong ikubli ang iyong pandinig sa aking ikagiginhawa, sa paghingi ko ng tulong.+
57 Lumapit ka nang araw na patuloy akong tumawag sa iyo.+ Sinabi mo: “Huwag kang matakot.”+
ר [Res]
58 Ipinagsanggalang mo, O Jehova, ang mga pakikipaglaban ng aking kaluluwa.+ Tinubos mo ang aking buhay.+
59 Nakita mo, O Jehova, ang kamaliang ginawa sa akin.+ O patnugutan mo nawa ang kahatulan para sa akin.+
60 Nakita mo ang lahat ng kanilang paghihiganti, ang lahat ng kanilang mga kaisipan laban sa akin.+
ש [Sin] o [Shin]
61 Narinig mo ang kanilang pandurusta, O Jehova, ang lahat ng kanilang mga kaisipan laban sa akin,+
62 Ang mga labi niyaong mga tumitindig laban sa akin+ at ang kanilang pagbubulungan laban sa akin sa buong araw.+
63 Tingnan mo ang kanila mismong pag-upo at ang kanilang pagtindig.+ Ako ang paksa ng kanilang awit.+
ת [Taw]
64 Gagantihan mo sila ng pakikitungo, O Jehova, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.+
65 Ibibigay mo sa kanila ang kawalang-pakundangan ng puso,+ ang iyong sumpa sa kanila.+
66 Manunugis ka sa galit at lilipulin mo sila+ mula sa silong ng langit ni Jehova.+