Panaghoy
א [Alep]
2 O ano’t sa kaniyang galit ay tinatakpan ni Jehova ng ulap ang anak na babae ng Sion!+
Mula sa langit ay inihagis niya sa lupa+ ang kagandahan ng Israel.+
At hindi niya inalaala ang kaniyang tuntungan+ noong araw ng kaniyang galit.
ב [Bet]
2 Si Jehova ay nanlamon, hindi niya kinahabagan ang alinman sa mga tinatahanang dako+ ng Jacob.
Sa kaniyang poot ay giniba niya ang mga nakukutaang dako+ ng anak na babae ng Juda.
Inilugmok niya sa lupa,+ nilapastangan niya ang kaharian+ at ang mga prinsipe nito.+
ג [Gimel]
3 Sa init ng galit ay pinutol niya ang bawat sungay ng Israel.+
Iniurong niya ang kaniyang kanang kamay mula sa harap ng kaaway;+
At sa Jacob ay patuloy siyang nagniningas na parang nagliliyab na apoy na nanlalamon sa buong palibot.+
ד [Dalet]
4 Niyapakan niya ang kaniyang busog tulad ng isang kaaway.+ Ang kaniyang kanang kamay+ ay lumagay sa dako nito
Tulad ng isang kalaban,+ at pinagpapatay niya ang lahat ng mga kanais-nais sa paningin.+
Sa tolda+ ng anak na babae ng Sion ay ibinuhos niya ang kaniyang pagngangalit, na parang apoy.+
ה [He]
5 Si Jehova ay naging parang kaaway.+ Nilamon niya ang Israel.+
Nilamon niya ang lahat ng mga tirahang tore nito;+ giniba niya ang kaniyang mga nakukutaang dako.+
At sa anak na babae ng Juda ay pinararami niya ang pagdadalamhati at pagtaghoy.+
ו [Waw]
6 At pinakikitunguhan niya nang marahas ang kaniyang kubol+ gaya niyaong nasa isang hardin.+ Sinira niya ang kaniyang kapistahan.
Pinangyari ni Jehova na ang kapistahan+ at ang sabbath ay malimot sa Sion,
At sa kaniyang galít na pagtuligsa ay hindi siya nagpapakita ng paggalang sa hari at saserdote.+
ז [Zayin]
7 Tinanggihan ni Jehova ang kaniyang altar.+ Iwinaksi niya ang kaniyang santuwaryo.+
Sa kamay ng kaaway ay isinuko niya ang mga pader ng mga tirahang tore nito.+
Sa bahay ni Jehova ay inilakas nila ang kanilang tinig, gaya ng sa araw ng kapistahan.+
ח [Ket]
8 Inisip ni Jehova na gibain ang pader+ ng anak na babae ng Sion.
Iniunat niya ang pising panukat.+ Hindi niya iniurong ang kaniyang kamay mula sa paglamon.+
At pinagdadalamhati niya ang muralya at ang pader.+ Magkasamang naglalaho ang mga iyon.
ט [Tet]
9 Ang mga pintuang-daan+ nito ay lumubog sa mismong lupa.
Kaniyang sinira at pinagdurug-durog ang mga halang nito.
Ang hari nito at ang mga prinsipe nito ay nasa gitna ng mga bansa.+ Walang kautusan.+
Ang mga propeta rin nito ay walang nasumpungang pangitain mula kay Jehova.+
י [Yod]
10 Ang matatandang lalaki ng anak na babae ng Sion ay nakaupo sa lupa, na doon ay nananatili silang tahimik.+
Naglagay sila ng alabok sa kanilang ulo.+ Nagbigkis sila ng telang-sako.+
Ang mga dalaga ng Jerusalem ay nagbaba ng kanilang ulo sa mismong lupa.+
כ [Kap]
11 Ang aking mga mata ay nagwawakas dahil sa mga luha.+ Ang aking mga bituka ay nababagabag.+
Ang aking atay ay nabuhos sa mismong lupa,+ dahil sa pagbagsak ng anak na babae ng aking bayan,+
Dahilan sa panlulupaypay ng bata at ng pasusuhin sa mga liwasan ng bayan.+
ל [Lamed]
12 Sa kanilang mga ina ay lagi nilang sinasabi: “Nasaan ang butil at alak?”+
Dahil sa kanilang panlulupaypay na gaya ng isang napatay sa mga liwasan ng lunsod,
Dahil sa pagkakabuhos ng kanilang kaluluwa sa dibdib ng kanilang mga ina.
מ [Mem]
13 Sa ano kita gagamiting saksi? Ano ang itutulad ko sa iyo, O anak na babae ng Jerusalem?+
Ano ang ipapantay ko sa iyo, upang maaliw kita, O anak na dalaga ng Sion?+
Sapagkat ang iyong pagkasira+ ay sinlaki nga ng dagat. Sino ang makapagpapagaling sa iyo?+
נ [Nun]
14 Ang iyong sariling mga propeta ay nagpangitain para sa iyo ng walang-kabuluhan at di-nakasisiyang mga bagay,+
At hindi nila inilantad ang iyong kamalian upang iurong ang iyong pagkabihag,+
Kundi patuloy silang nagpapangitain para sa iyo ng walang-kabuluhan at nagliligaw na mga kapahayagan.+
ס [Samek]
15 Sa iyo ay ipinapalakpak ng lahat ng nagdaraan sa lansangan ang kanilang mga kamay.+
Sila ay sumisipol+ at patuloy na nag-iiling ng kanilang ulo+ sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi:
“Ito ba ang lunsod na sinasabi nila noon, ‘Iyon ang kasakdalan ng kariktan, isang pagbubunyi ng buong lupa’?”+
פ [Pe]
16 Laban sa iyo ay ibinuka ng lahat ng iyong mga kaaway ang kanilang bibig.+
Sumisipol sila at pinagngangalit ang mga ngipin.+ Sinasabi nila: “Lalamunin natin siya.+
Ito nga ang araw na ating hinihintay.+ Nasumpungan natin! Nakita natin!”+
ע [Ayin]
17 Ginawa ni Jehova kung ano ang nasa kaniyang isip.+ Tinupad niya ang kaniyang pananalita,+
Yaong ipinag-utos niya mula pa noong mga araw ng sinaunang panahon.+ Siya ay gumiba at hindi nahabag.+
At laban sa iyo ay pinagsasaya niya ang kaaway.+ Pinataas niya ang sungay ng iyong mga kalaban.+
צ [Tsade]
18 Ang kanilang puso ay dumaing kay Jehova,+ O pader ng anak na babae ng Sion.+
Magpadaloy ka ng mga luha na parang ilog araw at gabi.+
Huwag kang magpakamanhid sa iyong sarili. Huwag nawang manahimik ang balintataw ng iyong mata.
ק [Kop]
19 Bumangon ka! Manangis ka sa gabi sa pasimula ng mga pagbabantay sa umaga.+
Ibuhos mong parang tubig ang iyong puso+ sa harap ng mukha+ ni Jehova.
Itaas mo sa kaniya ang iyong mga palad+ alang-alang sa kaluluwa ng iyong mga anak,
Na nanlulupaypay dahil sa taggutom sa bukana ng lahat ng lansangan.+
ר [Res]
20 Tingnan mo, O Jehova, at masdan+ ang isa na pinakitunguhan mo nang may kahigpitan sa ganitong paraan.
Dapat bang kainin ng mga babae ang kanilang sariling bunga, ang mga anak na isinilang na may hustong anyo,+
O sa santuwaryo ba ni Jehova ay dapat patayin ang saserdote at ang propeta?+
ש [Shin]
21 Ang batang lalaki at ang matandang lalaki+ ay humiga sa lupa ng mga lansangan.+
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nabuwal sa pamamagitan ng tabak.+
Ikaw ay pumatay sa araw ng iyong galit.+ Pumatay ka ng marami;+ hindi ka nahabag.+
ת [Taw]