Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sapagkat isang apoy ang nagliyab sa aking galit+

      At magniningas ito hanggang sa Sheol, na pinakamababang dako,+

      At tutupukin nito ang lupa at ang bunga nito+

      At palalagablabin ang mga pundasyon ng mga bundok.+

  • 2 Hari 25:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At sinunog niya ang bahay ni Jehova+ at ang bahay ng hari+ at ang lahat ng mga bahay sa Jerusalem;+ at ang bahay ng bawat dakilang tao ay sinunog niya sa apoy.+

  • Awit 89:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 46 O Jehova, hanggang kailan ka mananatiling nakakubli? Habang panahon ba?+

      Patuloy bang magniningas ang iyong pagngangalit na parang apoy?+

  • Isaias 42:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Kaya Siya ay patuloy na nagbuhos sa kaniya ng pagngangalit, ng kaniyang galit, at ng lakas ng digmaan.+ At patuloy siyang nilamon nito sa buong palibot,+ ngunit hindi siya nagbigay-pansin;+ at patuloy itong lumagablab laban sa kaniya, ngunit wala siyang isinasapusong anuman.+

  • Jeremias 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Magpatuli kayo para kay Jehova, at alisin ninyo ang mga dulong-balat ng inyong mga puso,+ kayong mga tao ng Juda at mga tumatahan sa Jerusalem; upang ang aking pagngangalit ay huwag lumabas na gaya ng apoy, at magningas nga ito na walang sinumang papatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo.”+

  • Jeremias 7:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Narito! Ang aking galit at ang aking pagngangalit ay mabubuhos sa dakong ito,+ sa mga tao at sa alagang hayop, at sa punungkahoy sa parang+ at sa bunga ng lupa; at iyon ay magniningas, at hindi iyon sasawatain.’+

  • Panaghoy 4:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Isinagawa ni Jehova ang kaniyang pagngangalit.+ Ibinuhos niya ang kaniyang nag-aapoy na galit.+

      At pinalalagablab niya sa Sion ang isang apoy, na lalamon sa mga pundasyon nito.+

  • Hebreo 12:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Sapagkat ang ating Diyos ay isa ring apoy na tumutupok.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share