Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 34:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 nag-iingat ng maibiging-kabaitan sa libu-libo,+ nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang at kasalanan,+ ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak at sa mga apo dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi.”+

  • Jeremias 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At ihahampas ko sila laban sa isa’t isa, kapuwa ang mga ama at ang mga anak na lalaki, nang magkakasabay,”+ ang sabi ni Jehova. “Hindi ako mahahabag, ni malulumbay man, at hindi ako magkakaroon ng awa na pipigil sa pagpapahamak sa kanila.” ’+

  • Panaghoy 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Si Jehova ay nanlamon, hindi niya kinahabagan ang alinman sa mga tinatahanang dako+ ng Jacob.

      Sa kaniyang poot ay giniba niya ang mga nakukutaang dako+ ng anak na babae ng Juda.

      Inilugmok niya sa lupa,+ nilapastangan niya ang kaharian+ at ang mga prinsipe nito.+

  • Panaghoy 3:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 43 Hinarangan mo ng galit ang paglapit,+ at lagi mo kaming tinutugis.+ Pumatay ka; hindi ka nahabag.+

  • Ezekiel 5:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “ ‘Kaya buháy ako,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘tunay na sa dahilang ang aking santuwaryo ang dinungisan mo ng lahat ng iyong mga kasuklam-suklam na bagay+ at ng lahat ng iyong mga karima-rimarim na bagay,+ ako rin ang Isa na magpapaunti sa iyo+ at ang aking mata ay hindi maaawa+ at ako rin ay hindi mahahabag.+

  • Ezekiel 7:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At ang aking mata ay hindi maaawa sa iyo,+ ni mahahabag man ako, sapagkat pasasapitin ko sa iyo ang iyong sariling mga lakad, at ang iyong sariling mga karima-rimarim na bagay ay mapapasagitna mo;+ at inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share