115 Sa amin ay walang nauukol, O Jehova, sa amin ay walang nauukol,+
Kundi ang magbigay ng kaluwalhatian sa iyong pangalan+
Ayon sa iyong maibiging-kabaitan, ayon sa iyong katapatan.+
2 Bakit sasabihin ng mga bansa:+
“Nasaan ngayon ang kanilang Diyos?”+
3 Ngunit ang aming Diyos ay nasa langit;+
Ang lahat ng kinalugdan niyang gawin ay kaniyang ginawa.+
4 Ang kanilang mga idolo ay pilak at ginto,+
Ang gawa ng mga kamay ng makalupang tao.+
5 May bibig sila, ngunit hindi sila makapagsalita;+
May mga mata sila, ngunit hindi sila makakita;+
6 May mga tainga sila, ngunit hindi sila makarinig.+
May ilong sila, ngunit hindi sila makaamoy.+
7 May mga kamay sila, ngunit hindi sila makahipo.+
May mga paa sila, ngunit hindi sila makalakad;+
Hindi makabigkas ng tinig ang kanilang lalamunan.+
8 Yaong mga gumagawa sa kanila ay magiging tulad nila,+
Ang lahat ng nagtitiwala sa kanila.+
9 O Israel, magtiwala ka kay Jehova;+
Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+
10 O sambahayan ni Aaron, maglagak kayo ng tiwala kay Jehova;+
Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+
11 Kayong mga natatakot kay Jehova, magtiwala kayo kay Jehova;+
Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+
12 Inaalaala tayo ni Jehova; pagpapalain niya,+
Pagpapalain niya ang sambahayan ni Israel,+
Pagpapalain niya ang sambahayan ni Aaron.+
13 Pagpapalain niya yaong mga may takot kay Jehova,+
Ang maliliit at gayundin ang malalaki.+
14 Palalaguin kayo ni Jehova,+
Kayo at ang inyong mga anak.+
15 Kayo ang mga pinagpala ni Jehova,+
Ang Maylikha ng langit at lupa.+
16 Kung tungkol sa langit, ang langit ay kay Jehova,+
Ngunit ang lupa ay ibinigay niya sa mga anak ng mga tao.+
17 Ang mga patay ay hindi pumupuri kay Jah,+
Ni ang sinumang bumababa sa katahimikan.+
18 Ngunit kami ang mag-uukol ng pagpapala kay Jah+
Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+
Purihin ninyo si Jah!+