116 Ako ay umiibig, sapagkat dinirinig ni Jehova+
Ang aking tinig, ang aking mga pamamanhik.+
2 Sapagkat ikiniling niya sa akin ang kaniyang pandinig,+
At sa lahat ng aking mga araw ay tatawag ako.+
3 Kinulong ako ng mga lubid ng kamatayan+
At nasumpungan ako ng mga nakapipighating kalagayan ng Sheol.+
Kabagabagan at pamimighati ang lagi kong nasusumpungan.+
4 Ngunit tumawag ako sa pangalan ni Jehova:+
“Ah, Jehova, paglaanan mo ng pagtakas ang aking kaluluwa!”+
5 Si Jehova ay magandang-loob at matuwid;+
At ang ating Diyos ay Isa na nagpapakita ng awa.+
6 Binabantayan ni Jehova ang mga walang-karanasan.+
Ako ay naghikahos, at iniligtas nga niya ako.+
7 Bumalik ka sa iyong pahingahang-dako, O kaluluwa ko,+
Sapagkat si Jehova ay nakitungo sa iyo nang may kawastuan.+
8 Sapagkat iniligtas mo ang aking kaluluwa mula sa kamatayan,+
Ang aking mata mula sa mga luha, ang aking paa mula sa pagkatisod.+
9 Lalakad ako+ sa harap ni Jehova sa mga lupain ng mga buháy.+
10 Ako ay nanampalataya,+ sapagkat ako ay nagsalita.+
Ako mismo ay lubhang napighati.
11 Ako, sa ganang akin, ay nagsabi, nang ako ay mahintakutan:+
“Ang lahat ng tao ay sinungaling.”+
12 Ano ang igaganti ko kay Jehova+
Sa lahat ng mga pakinabang ko mula sa kaniya?+
13 Ang kopa ng dakilang kaligtasan+ ay aking kukunin,
At sa pangalan ni Jehova ay tatawag ako.+
14 Ang aking mga panata ay tutuparin ko kay Jehova,+
Oo, sa harap ng kaniyang buong bayan.
15 Mahalaga sa paningin ni Jehova
Ang kamatayan ng kaniyang mga matapat.+
16 Ah, ngayon, O Jehova,+
Sapagkat ako ay iyong lingkod.+
Ako ay iyong lingkod, ang anak ng iyong aliping babae.+
Kinalag mo ang aking mga tali.+
17 Sa iyo ay ihahandog ko ang hain ng pasasalamat,+
At sa pangalan ni Jehova ay tatawag ako.+
18 Ang aking mga panata ay tutuparin ko kay Jehova,+
Oo, sa harap ng kaniyang buong bayan,+
19 Sa mga looban ng bahay ni Jehova,+
Sa gitna mo, O Jerusalem.+
Purihin ninyo si Jah!+