Awit ng mga Pagsampa. Ni David.
122 Ako ay nagsaya nang sabihin nila sa akin:+
“Pumaroon tayo sa bahay ni Jehova.”+
2 Ang aming mga paa ay nakatayo+
Sa loob ng iyong mga pintuang-daan, O Jerusalem.+
3 Ang Jerusalem ay itinayong tulad ng isang lunsod+
Na pinagsama-sama sa pagkakaisa,+
4 Na inaahunan ng mga tribo,+
Ang mga tribo ni Jah,+
Bilang paalaala sa Israel+
Upang magpasalamat sa pangalan ni Jehova.+
5 Sapagkat doon nakalagay ang mga trono para sa kahatulan,+
Mga trono para sa sambahayan ni David.+
6 Humiling kayo ukol sa kapayapaan ng Jerusalem.+
Yaong mga umiibig sa iyo, O lunsod, ay magiging malaya sa alalahanin.+
7 Manatili nawa ang kapayapaan sa loob ng iyong muralya,+
Ang kalayaan sa alalahanin sa loob ng iyong mga tirahang tore.+
8 Alang-alang sa aking mga kapatid at sa aking mga kasamahan ay magsasalita ako ngayon:+
“Magkaroon nawa ng kapayapaan sa loob mo.”+
9 Alang-alang sa bahay ni Jehova na aming Diyos+
Patuloy kong hahangarin ang iyong ikabubuti.+