Awit ng mga Pagsampa. Ni David.
124 “Kung si Jehova ay hindi pumanig sa atin,”+
Sabihin ngayon ng Israel,+
2 “Kung si Jehova ay hindi pumanig sa atin+
Nang ang mga tao ay bumangon laban sa atin,+
3 Nilamon na sana nila tayong buháy,+
Nang nagniningas ang kanilang galit laban sa atin.+
4 Tinangay na sana tayo ng tubig,+
Dinaanan na sana ng malakas na agos ang ating kaluluwa.+
5 Dinaanan na sana ang ating kaluluwa
Ng tubig ng kapangahasan.+
6 Pagpalain nawa si Jehova, na hindi nagbigay sa atin+
Bilang huli ng kanilang mga ngipin.+
7 Ang ating kaluluwa ay tulad ng ibong nakatakas+
Mula sa bitag ng mga nagpapain.+
Ang bitag ay nasira,+
At tayo ay nakatakas.+
8 Ang tulong sa atin ay nasa pangalan ni Jehova,+
Ang Maylikha ng langit at lupa.”+