2 Kaya may mga taong pumaroon at nagsaysay kay Jehosapat, na nagsasabi: “May malaking pulutong na dumarating laban sa iyo mula sa pook ng dagat, mula sa Edom;+ at naroon sila sa Hazazon-tamar, na siyang En-gedi.”+
6 Ngunit kasuklam-suklam sa kaniyang paningin na si Mardokeo lamang ang pagbuhatan ng kamay, sapagkat sinabi nila sa kaniya ang tungkol sa bayan ni Mardokeo; at si Haman ay nagsimulang magsikap na lipulin+ ang lahat ng mga Judio na nasa buong nasasakupan ni Ahasuero, ang bayan ni Mardokeo.+
34 “Nilamon ako ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya;+ ako ay nilito niya. Ginawa niya akong gaya ng sisidlang walang laman. Nilulon niya akong gaya ng isang malaking ahas;+ pinunô niya ang kaniyang tiyan ng aking mga bagay na kaiga-igaya. Pinalis niya ako.