Awit
Sa tagapangasiwa. Ni David.
14 Ang hangal ay nagsabi sa kaniyang puso:
“Walang Jehova.”+
Gumawi sila nang kapaha-pahamak,+ gumawi sila nang karima-rimarim sa kanilang gawain.
Walang sinumang gumagawa ng mabuti.+
2 Kung tungkol kay Jehova, dinudungaw niya mula sa langit ang mga anak ng mga tao,+
Upang tingnan kung may sinumang may kaunawaan, sinumang humahanap kay Jehova.+
3 Silang lahat ay lumihis,+ silang lahat ay pawang tiwali;+
Walang sinumang gumagawa ng mabuti,+
Wala ni isa man.+
4 Wala ba sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit ang may kaalaman,+
Na lumalamon sa aking bayan gaya ng pagkain nila sa tinapay?+
Ni hindi sila tumatawag kay Jehova.+
5 Doon ay napuspos sila ng malaking panghihilakbot,+
Sapagkat si Jehova ay nasa salinlahi ng matuwid.+