Awit
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David.
13 Hanggang kailan mo ako kalilimutan, O Jehova?+ Magpakailanman ba?+
Hanggang kailan mo ikukubli ang iyong mukha mula sa akin?+
2 Hanggang kailan ako magtatakda ng pagpigil sa aking kaluluwa,
Ng pamimighati sa aking puso kung araw?
Hanggang kailan magmamataas sa akin ang aking kaaway?+
3 Tumingin ka sa akin; sagutin mo ako, O Jehova na aking Diyos.
Paningningin mo ang aking mga mata,+ upang hindi ako matulog sa kamatayan,+
4 Upang huwag sabihin ng aking kaaway: “Nagwagi ako sa kaniya!”
Upang huwag magalak ang aking mga kalaban sa dahilang ako ay napasuray.+
5 Sa ganang akin, nagtiwala ako sa iyong maibiging-kabaitan;+
Magalak nawa ang aking puso sa iyong pagliligtas.+
6 Aawit ako kay Jehova, sapagkat ginawan niya ako ng mabuti.+