Awit
Sa tagapangasiwa sa mababang oktaba.+ Awitin ni David.
12 Iligtas mo ako,+ O Jehova, sapagkat ang matapat ay sumapit na sa kawakasan;+
Sapagkat ang mga taong tapat ay naglaho na mula sa mga anak ng mga tao.
2 Patuloy silang nagsasalita ng kabulaanan sa isa’t isa;+
Sa pamamagitan ng madulas na labi+ ay patuloy silang nagsasalita nang may salawahang puso.+
3 Lilipulin ni Jehova ang lahat ng madudulas na labi,
Ang dilang nagsasalita ng mga dakilang bagay,+
4 Yaong mga nagsabi: “Sa pamamagitan ng aming dila ay mananaig kami.+
Ang aming mga labi ay nasa amin. Sino ang magiging panginoon sa amin?”
5 “Dahil sa pananamsam sa mga napipighati, dahil sa pagbubuntunghininga ng mga dukha,+
Ako ay babangon sa sandaling ito,” sabi ni Jehova.+
“Ilalagay ko siyang ligtas mula sa sinumang sumisinghal sa kaniya.”+
6 Ang mga pananalita ni Jehova ay mga pananalitang dalisay,+
Gaya ng pilak na dinalisay sa tunawang hurno sa lupa, na makapitong nilinis.