Awit
Sa tagapangasiwa. Ni David.
11 Kay Jehova ako nanganganlong.+
Ano’t nangangahas kayong magsabi sa aking kaluluwa:
“Tumakas kang gaya ng ibon sa inyong bundok!+
2 Sapagkat, narito! hinuhutok ng mga balakyot ang busog,+
Inihahanda nila sa bagting ang kanilang palaso,
Upang panain sa karimlan ang mga matapat ang puso.+
4 Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+
Si Jehova—nasa langit ang kaniyang trono.+
Ang kaniyang mga mata ay nagmamasid, ang kaniyang nagniningning na mga mata ay nagsusuri+ sa mga anak ng mga tao.
5 Si Jehova ang sumusuri sa matuwid at gayundin sa balakyot,+
At ang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga ng Kaniyang kaluluwa.+