17 “Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, O Jerusalem,+ ikaw na uminom mula sa kamay ni Jehova ng kaniyang kopa ng pagngangalit.+ Ang saro, ang kopa na sanhi ng pagsuray-suray, ay ininuman mo, sinaid mo.+
15 Sapagkat ito ang sinabi sa akin ni Jehova na Diyos ng Israel: “Kunin mo ang kopang ito ng alak ng pagngangalit mula sa aking kamay, at ipainom mo ito sa lahat ng mga bansa na pagsusuguan ko sa iyo.+
16 Tiyak na malilipos ka ng kasiraang-puri sa halip na kaluwalhatian.+ Uminom ka rin, ikaw mismo,+ at maituring na di-tuli.+ Ang kopa ng kanang kamay ni Jehova ay babalik sa iyo,+ at ang kadustaan ay mapapasaiyong kaluwalhatian;
19 At ang dakilang lunsod+ ay nahati sa tatlong bahagi, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak; at ang Babilonyang Dakila+ ay naalaala sa paningin ng Diyos, upang ibigay sa kaniya ang kopa ng alak ng galit ng kaniyang poot.+
6 Ibigay ninyo sa kaniya ang gaya rin ng kaniya mismong ibinigay,+ at gawin ninyo sa kaniya nang makalawang ulit pa, oo, makalawang dami ng mga bagay na ginawa niya;+ sa kopa+ na pinaglagyan niya ng halo ay maglagay kayo ng makalawang ulit+ pa ng halo para sa kaniya.+