Awit
Awitin ni David.
141 O Jehova, tumawag ako sa iyo.+
Magmadali ka sa akin.+
Dinggin mo ang aking tinig kapag tumatawag ako sa iyo.+
2 Maihanda nawa ang aking panalangin sa harap mo na gaya ng insenso,+
Ang pagtataas ng aking mga palad na gaya ng panggabing handog na mga butil.+
4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anumang bagay na masama,+
Upang magsagawa ng kahiya-hiyang mga gawa sa kabalakyutan+
Kasama ng mga taong nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+
Upang hindi ko kainin ang kanilang masasarap na pagkain.+
5 Saktan man ako ng matuwid, magiging maibiging-kabaitan pa nga iyon;+
At sawayin man niya ako, magiging langis pa nga iyon sa aking ulo,+
Na hindi tatanggihan ng aking ulo.+
Sapagkat may panalangin pa man din ako sa panahon ng kanilang mga kapahamakan.+
6 Ang kanilang mga hukom ay inihagis sa mga gilid ng malaking bato,+
Ngunit narinig nila ang aking mga pananalita, na ang mga iyon ay kaiga-igaya.+
7 Gaya ng isa na nagbibiyak at nagsisibak sa lupa,
Ang aming mga buto ay ipinangalat sa bibig ng Sheol.+
8 Gayunman, ang aking mga mata ay nakatuon sa iyo,+ O Jehova na Soberanong Panginoon.+
Sa iyo ako nanganganlong.+
Huwag mong ibuhos ang aking kaluluwa.+